EDITORYAL - Mataas na tax sa yosi, nararapat
(Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

APRUB na ng House ang panukalang batas na nagtataas ng tax sa sigarilyo. Lusot na ang House Bill 8677 na nag-aamiyenda sa Republic Act 10351 o ang Sin Tax Reform Law. Sa panukala, magtataas ng P2.50 ang tax ng yosi bawat taon na magkakabisa sa Hulyo 2019 hanggang 2022. Ang madadagdag na tax sa bawat kaha ng sigarilyo ay P35. Hindi pa kasama rito ang tax sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Mabuti at naaprubahan na ang panukalang ito. Sa pagtaas ng tax ng sigarilyo, tiyak na tataas ang presyo nito. Sa sobrang taas ng bawat stick ng sigarilyo, tiyak na marami na ang magku-quit sa delikadong bisyo na ito. Marami ang matutuwa sapagkat hindi na sila makakalanghap ng second hand smoke. Makakahinga na sila nang maluwag.

Maililigtas din nang mataas na presyo ng sigaril­yo ang mga kabataan na nalululong dito. Sa kasalukuyan, maraming kabataan ang naninigarilyo na hindi na natatakot kahit pa mayroong graphic warnings sa kaha ng sigarilyo ukol sa masamang dulot nito sa katawan. Mas lalo pang nahikayat ang mga kabataan na subukan ang pagyoyosi.

Sa kasalukuyan, hindi rin naipatutupad ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Yosi rito, yosi roon. Walang nagpapatupad ng kautusan ukol sa pagbabawal magyosi. Noong Mayo 2017, isang  Executive Order ang nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte na nagbabawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga tanggapan ng gobyerno.

Pero naging dekorasyon na lang ang kautusan na ito. Walang nagpapatupad. Maski nakikita ng pulis na may naninigarilyo sa publikong lugar, hinahayaan na lang. Maski may nagbebenta sa menor-de-edad, balewala lang.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Sinabi pa ng DOH na ang second hand smoke ay mas matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito. Ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer, lung disease at chronic obstruction pulmonary disease (COPD).

Kahit pasado na ang mataas na tax sa sigaril­yo na magdudulot sa pag-quit ng mga sugapa rito, nararapat pa ring maging aktibo ang DOH sa pagpapaalala sa taumbayan na hindi maganda sa kalusugan ang sigarilyo at dapat nang itigil ito.

SIN TAX REFORM LAW TRAIN LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with