Mag-ingat sa plastic bottled water
Mag-ingat sa plastic bottled water
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

MAY dalawang grupo ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic. Ito ay ang phthalates (isang halimbawa nito ang DEHP) at ang Bisphenol A. Pareho itong may masamang epekto sa ating kalusugan.

Ang phthalates ay nagpapababa ng testosterone level at ang bisphenol A naman ay parang estrogen ang epekto.

Phthalates at DEHP:

Ang phthalates ay ginagamit sa paggawa ng plastics tulad ng PVC pipes. Kamakailan, na-diskubre na may mga negosyante ang naglagay ng phthalates (DEHP) sa mga inumin at pagkain.

Ang mga posibleng kontaminadong pagkain ay ang mga sports drinks, fruit juices, jellies, jams, tea at powdered form ng mga fruit juices din. Sa ngayon ay tinanggal na ito sa merkado.

Mas matindi ang epekto ng DEHP sa mga bata at mga buntis na nanay. Ang DEHP ay puwedeng magdulot ng pagkabaog sa mga lalaki, at sakit sa kidneys. Bumababa ang testosterone level ng lalaki at posibleng lumiit din ang kanilang ari at bayag.

Sa isang pag-aaral sa International Journal of Andro-logy noong 2009, ang DEHP ay puwedeng magdulot ng pagka-kilos babae sa mga batang lalaki. Naipakita ni Professor Shanna Swan na ang mga batang lalaki edad 4 hanggang 7 na ipinanganak sa mga nanay na exposed sa phthalates (DEHP) ay hindi mahilig sa mga larong panlalaki tulad ng truck, baril at rough sports.

Bisphenol A:

Ayon sa isang pag-aaral, 90% ng mga Amerikano ay may “plastic” (kemikal na bisphenol A) na natuklasan sa kanilang ihi. Ang may mataas na lebel ng bisphenol A ay mas nagkakaroon ng sakit sa puso, diabetes, sira sa atay at problema sa sex.

Ang pinaghihinalaang dahilan nito ay ang mga plastic wrapper na ginagamit sa pag-microwave ng pagkain. Matatagpuan din ang bisphenol A sa mga baby bottles at laruan ng bata. Ito ang mga payo na binigay ng Harvard Medical School:

1) Hindi safe i-microwave ang mga distilled water bottle at mga plastic bottle.

2) Tanggalin ang takip na plastic na nakabalot sa pagkain bago ito ilagay sa microwave.

3) Huwag maglagay na kahit anumang plastic, papel o gamit sa ibabaw ng pagkain bago ito i-microwave.

4) Ang mga microwave take-out dinner ay pang-isahang gamit lang. Huwag ulitin ang gamit.

5) Tandaan: Gumamit lang ng “Microwave-safe” ceramic at glass na lalagyan. Huwag iyung may Melamine na plato!

6) Para siguradong safe, initin ang pagkain sa kalan, oven o toaster.

7) Mayroon nang mga botelya at container na bisphenol-A free (BPA free). Ang ibig sabihin ay mas safe ang mga ito. Good luck po!

WILLIE T. ONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with