Binawi ang pamasko
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2018 - 12:00am

(Huling bahagi)

IPINIPILIT ng LCEA na dapat silang makatanggap ng ?3,000 dahil taun-taon silang nakakatanggap nito bilang bonus. Ayon naman sa LCI, hindi sila makakapagbigay sa taong ito dahil kailangan nilang magbayad ng mga utang sa bangko. Wala naman daw basehan ang nasabing bonus at hindi dapat obligahin ang kompanya na ibigay ito sa mga empleyado dahil depende ito sa kita ng LCI sa taon. Kahit pa raw pumirma ng CBA ang LCI ay maari nilang hindi bayaran ang bonus kung hindi maganda ang kalagayan ng kompanya dahil taghirap ang ating ekonomiya.

Ngunit ayon sa Arbitrator, obligado pa rin na magbigay ng ?3,000 bonus kada empleyado ang LCI. Ibinigay daw ito bago pa magpirmahan ng CBA at hindi raw sapat na dahilan ang pagkalugi ng kompanya para hindi sila magbayad nito. Ang CBA ay tungkol sa bonus ay dapat sundin dahil ito ay nasa kontrata ng itinuturing na batas ng magkabilang panig. Inutusan ang LCI na ibigay ang ?3,000 pero bawas ang ?600 na unang ibinigay sa mga empleyado.

Kinumpirma itong hatol ng CA at SC. Ayon sa SC, ang Arbitrator ay isang opisyal ng labor at kaya dapat irespeto ang kanyang mga pasya lalo na kung suportado ng matibay na ebidensiya. Sa kasong ito, nakasaad na rin sa CBA ang bonus at isa na itong obligasyon na hindi nakasalalay sa pagiging galante ng kompanya. Walang kondisyon na inilagay sa pagbibigay ng bonus kaya hindi puwedeng ipilit ng LCI ang pagkalugi nito bilang palusot sa hindi pagsunod sa CBA.

Kada taon naman ay may posibilidad na malugi ang negosyo at noong unang taon nga na binigay ng kompanya ang bonus ay may umiiral pa na financial crisis pero pumirma pa rin sila ng CBA. Ang tangi lang siguro nilang magagawa sa ngayon ay magbigay ng abiso o written notice sa LCEA para ipatigil o kaya ay baguhin ang CBA bago matapos ang petsang kanilang napagkasunduan o mapaso ang kontrata (Lepanto Ceramics, Inc. vs. Lepanto Ceramics Employees Association, G.R. 180866, March 2, 2010). 

BONUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with