^

PSN Opinyon

Halalan 2019: perahan, personalan, pasikatan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TULAD ng dati, tatlong klase lang ng kandidato ang mana­nalo sa Halalan 2019. Sila ang ma-pera, ang sikat, at ang gumagamit ng personalan imbes na plataporma.

Bunga ito sa kawalan ng tatlong batas:

(1) Kontra political dynasties. Hinihingi ang batas na ito sa 1987 Constitution. Pero dinededma ng mga senador at kong­resista ang probisyon ng Saligang Batas. Palibhasa’y political dynasts ang karamihan sa kanila. Isandaang pamilya ang naghahari sa mga probinsiya simula nu’ng huling dalawang dekada ng Panahon ng Kastila. Sila ang mga panglokal na congressmen, governors, mayors, councilors -- na nakaka­gawa rin ng mga pambansang halal na senators at Presidents. Kontrolado nila ang mga lokal na ekonomiya. Kanila ang hardware stores, gasolinahan, malls, at resorts. Maimpluwensiya sila sa mga lokal na appointments -- ng regional directors ng Ehekutibo at mga huwes -- na may utang na loob sa kanila. Kaya mahirap silang tibagin.

(2) Kontra political butterflies. Palipat-lipat ng partido ang mga politiko. Ito’y dahil wala silang matibay na paninindigan o plataporma. Personal na koneksiyon (sa dynasty o Presi­dente) at kasikatan lang bilang showbiz, sports, o media celebrity ang inaasahan. Matagal nang nakabinbin sa Kongreso ang panukala na magpaparusa sa political butterflies (palipat-lipat ng bulaklak). Tatanggalin sila sa puwesto kung mag-ibang partido ilang buwan makalipas o bago maghalalan. Sa gan’ung paraan mapapatatag ang party system.

(3) Para sa campaign finance. Kakambal na panukala ang pagpondo ng estado sa mga partido. Sa taunang income tax returns, tulad sa America at Europe, sasabihin ng filer kung sa anong partido niya nais mag-ambag ng kung anong halaga. Mapopondohan ng mga partido ang mahuhusay na kandidato. Hindi na aasa sa mga bilyonaryo na hihingi ng kapalit na pabor o kontrata kapag nanalo na ang pinondohan.

vuukle comment

HALALAN 2019

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with