^

PSN Opinyon

‘Lolo, pilit pinagtrabaho… nang tumanggi, warrant of arrest ang iginanti!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI maitatanggi na sa kabila ng maigting na paglilinis ng mga namumuno sa Philippine National Police, may mga pasaway pa rin at lihis ang landas.

Eto ‘yung mga latak na unti-unti nang lumulutang o pesteng naglalabasan dahil nagbomba na ng insecticide. Kabahagi ang BITAG ng PNP sa anumang paglilinis na ito.

Etong isang Kapitan sa Butuan City, baka kasama to sa latak o naglalabasang peste na sinasabi ko. Kung akala mong dahil nasa Mindanao ka ay hindi malalantad ang iyong kalokohan, puwes mali ka.

Ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo Chief Insp. Renato­ Badajos, na isa sa iyong mga biktima ay nasa tanggapan ko nitong nagdaang linggo para ireklamo ka.

Sisenta y otso anyos na pintor, pinagtrabaho mo sa iyong ipapatayong bahay. Bandang huli, sumuko na ‘yung mama sa trabaho dahil malamang sa katandaan ay madali nang mapagod.

Pinipilit mo pa raw magtrabaho at ang matindi, nang wala nang bayad. O eto pang magaling mong ginawa, dahil hindi mo napilit eh sinampahan mo ng kasong deceit ‘yung pobreng matanda.

Sa sobrang galit mo siguro, ginanahan ka pang ta­kutin at harass-in ang pamilya ng pobre. Balita ko, nagpakalat pa raw ng mga pulis at hoodlum sa bahay nung ma­tanda?

Sa sobrang awa ng Barangay doon kay Lolo, itinakas sa kanyang bahay, isinakay sa traysikel at dinala sa terminal ng bus papuntang Maynila. Sa malamang kung naabutan mo yung pobre, wala siya sa tanggapan ko para kausapin ako.

Nag-usap tayo sa telepono, bilang courtesy at sa patas na serbisyo publiko. Umamin ka nga na sinampahan mo ng kaso ‘yung matanda at may lumabas ng warrant of arrest, eh inangasan mo pa akong kolokoy ka!

Magdadahilan ka pang matagal na itong nangyari (3 years ago) at hindi ka na interesado sa kaso pero hindi ka naman nag-file ng affidavit of desistance? Eh di may balak ka pang gipitin talaga ‘yung matanda, naghihintay ka lang ng tamang panahon na makauwi siya.

Capt. Badajos, marami kang kinakaya-kaya, ginagamit mo ang posisyon mo para manakot at manggipit ng maliliit na tao, hindi tama ‘yan!

Hindi rin magugustuhan ito ni PNP Chief Oscar Albayalde na kaibigan ko at matagal na naming katrabaho sa BITAG. Panahon na siguro para tuldukan ang kaangasang meron ka at baka dumami pa ang makakatikim ng pang-aabuso mo.

Isa lang naman ang pinakiusap ko sayo sa telepono, kung puwedeng kalimutan mo na ang nangyari noon at hayaang makauwi ang matanda sa kanyang pamilya.

Imbes makipag-usap ka sa akin ng maayos, inangasan at sinubukan mo pa akong tablahin sa telepono.

Okay lang, may kalalagyan yang kaangasan mo!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with