^

PSN Opinyon

Balangiga bells, simbolo ng ating kalayaan

KUNSABAGAY - Pilipino Star Ngayon

SANA magkatotoo ang magandang balita na paparating na sa Disyembre ang tatlong Balangiga bells na kinuha ng mga Amerikano noong matapos ang Philippine-Ame­rican war. Ang pag-aari nating kampana ay ginawa nilang tropeo dahil napagtagumpayan nila ang giyera laban sa ating mga ninuno. Wala naman talagang panalo sa giyera ng panahong iyon dahil kulang tayo sa mga sandata. Ano ba naman ang panalo ng sibat at gulok laban sa kanilang mga baril?

Mahigit isang daang taon ang lumipas at muling naungkat ang makasaysayang kampana. Hindi tumigil ang administrasyong Duterte na ibalik sa atin dahil ang kampana ay parte ng ating kasaysayan kaya nararapat lang na ito ay ibalik sa atin. Hindi uubra ang mga Kano sa pagiging tigasin ni President Digong. Kamakailan lamang may dalawang US officials na gustong maki­pagkita sa Presidente pero tinanggihan ang mga ito at sinabing ibalik muna ang Balangiga bells bago siya ma­kipagkita.

Nabulaga ang mga sundalong Amerikano ng sorpresa silang salakayin ng mga gerilyang Pilipino habang kuma­kain na ikinamatay ng 48. Sumiklab ang galit ng mga Amerikano at may nagsabing gawaing “howling wilderness”. Binalikan nila ang mga tao sa baryo at halos ubusin ang mga ito. Pati ang mga babae at batang walang kamu­wang-muwang ay pinatay. Malupit talaga ang mga Amerikano nung unang panahon.

Ito na lang siguro ang makakapagsalba sa palabo nang palabong relasyon ng Pilipinas at Amerika. Kung maalala n’yo hindi nila pinalalampas ang mga maanghang na salita ni President Digong sa kanila. Ngayong nagdesisyon na ang US na ibalik ang Balangiga bells, baka bumalik na ang magandang relasyon natin sa America.

“It’s better one bird in hand than two birds flying in the air.” Tingnan natin kung magkakatotoo nga ang pagbabalik ng Balangiga bells sa susunod na buwan.

vuukle comment

BALANGIGA BELLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with