^

PSN Opinyon

Bakit pa manggugulo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“WHY do you have to create frictions?” Ito ang naging­ pahayag ni President Duterte sa ginagawang exercise ng US sa South China Sea. Mas maraming barkong pan­­digma ang ipinadala na ng US sa rehiyon. Ayon kay Duterte, hawak na ng China ang karagatan kaya anumang kilos-militar na gawin ang anumang bansa ay hindi magugustuhan ng China. Hindi rin makikibahagi ang Pilipinas sa mga nasabing exercise. Wala raw siyang pakialam kung magdigmaan ang anumang bansa, pero dahil katabi lang natin ang mga isla na iyan, apektado sigurado ang bansa.

Pero malinaw na pumapanig pa rin si Duterte sa China. Tila kinumpirma na pag-aari na nga ng China ang karagatan, kaya dapat wala nang manggulo, kahit kaalyado pa ang US. Ikinabahala ng mga eksperto ang pahayag ng Presidente. Pero iba ang opinyon ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin. Hindi dahil may mga weather stations na ang China sa mga nilikhang isla ay sa kanila na iyon. Hihingi pa rin daw siya ng opinyon ng Department of National Defense tungkol sa isyung ito. Dagdag pa ni Locsin, igigiit pa rin ang karapatan ng Pilipinas batay sa ipinanalong kaso sa UN Permanent Court of Arbitration, bagay na isinantabi ni Duterte.   

Dalawang aircraft carriers at iba pang barkong pandigma ng US ang nasa Philippine Sea ngayon para sa exercise. Malakas ang pwersang militar na ito, kung saan higit 100 eroplanong pandigma ang karga ng carriers. Tila ipinakikita sa China ang kanilang lakas. Pero nasa “international waters” nga sila, kaya may karapatan para sa malayang paglalayag at paglipad. Sigurado hindi ito magugustuhan ng China, na may malakas ding militar. Kung ano ang kanilang kilos maliban sa mga banta ay hindi pa alam. Alam ko na may mga armas na ang mga isla, at puwedeng magpadala ng mga eroplanong pandigma sa mga nasabing isla. Dito na ang atensyon ng mundo, na tila nalipat na mula North Korea. Sana naman ay walang di pagkakaunawaang aksyon, na mauuwi sa labanan. 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with