^

PSN Opinyon

Wala akong sinasanto, kahit teacher na abusado!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MADALI akong kausap, kung nagsasabi ka ng totoo, ligtas ka. Pero kapag natuklasan kong nagsisinungaling ka, pasensiyahan tayo kahit na babae ka pa.

Etong sample na sumbong nitong nakaraang linggo lamang. Ina, galit na galit na nagsumbong sa BITAG dahil ang anak niyang 7-taong gulang, minaltrato daw ng kaniyang titser.

Naglalaro raw ang kaniyang anak at mga kaklase nito ng dura-duraan ng aksidenteng maduraan ang dumadaang teacher. Sa galit ng guro, pinagtutusok ang kaniyang anak at mga kalaro nito ng pin.

Hindi pa dito natapos ang galit ng maestra, dinala pa raw sa CR ang kaniyang anak at isang classmate nito. Pinaihi at pilit nginudngod sa inidoro ang dalawang bata.

Nalaman ng ginang ang ginawa sa kaniyang anak dahil sa sumbong ng mga kaklase nito at sa pag-amin din ng bata. Nagpakita rin ng medical certificate ang ginang na tinurukan ng anti-tetanus sa ospital ang kaniyang anak.

Hustisya ang nais ng ginang, takut na takot na raw bumalik sa eskwela ang kaniyang anak at ang sagot lamang ni titser sa mga magulang ng bata ay aaregluhin na lang sila.

Sa ngalan ng patas na pamamahayag at sebisyo pub-liko, tinawagan ko ang inireklamong guro ng Mines Elementary School sa Quezon City na si Ma’am Myla Guevarra.

Pilit nitong itinanggi ang paratang, hindi raw niya sinasadyang matusok ng mga hawak niyang pin ang mga bata ng sinaway niya ito.

Hindi niya rin daw nginudngod sa inidoro ang mga bata. Dinala niya raw ito sa banyo para sabihing ang laway ay marumi katulad ng ihi kaya hindi dapat ito napupunta sa tao.

Teacher Myla, si BITAG kausap mo hindi isang batang mangmang na mapapaikot mo. Eh bakit mo dinala sa banyo ang dalawang bata na panlalaki yun at ikaw naturingang babae?

Hamon pa ng guro sa akin, puntahan ko daw siya sa eksuwelahan ng oras ding iyon para ipakita ang mga videos at text messages ng panghaharass ng mga magulang ng mga batang nagrereklamo.

Pinipilit umano daw siya ng mga ito na magbayad ng 100 thousand bilang kabayaran sa trauma na inabot ng mga bata at gastos sa pagtransfer sa ibang eskwelahan ng mga ito.

Pinagbigyan ko ang hiling ni teacher, nagpapunta ako ng 3 staff (2 journalist-investigators at 1 cameraman) sa Mines Elementary School nung mga oras na ‘yun.

Kasalukuyan akong nakaupo sa aming Action Center at di maiwan ang mahigit bente pang complainants na naghihintay akong makausap.

Ang kolokay na teacher, wala namang ipinakitang mga video at text messages na kaniyang sinasabi. Umepal pa ang ibang kasamahang guro ng mga ito at sila pa ang nagagalit bakit may dalang camera ang aming grupo.

Oh Teacher Myla, hindi pa tayo tapos, isasama ko na rin ang kunsintidor na pamunuan at ibang guro niyo diyan sa Mines Elementary School.

Hindi niyo hinarap ang BITAG ng maayos na ikaw naman ang nag-imbita sa aming pumunta diyan sa eskuwelahan, kaya abangan niyo ang Kilos Prontong aksiyon namin dito!

Hindi ka makakalusot, dokumentado lahat mula sa sumbong ng magulang, pag-uusap natin sa telepono hanggang pagtungo sa eskuwelahan mo. Wala akong sinasanto, lalo na kung mga katulad mo!

vuukle comment

TEACHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with