Congressmen umaasa mga senador ganid din
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

PANSARILI, hindi pangmasa, ang dahilan ng mga congressmen para baguhin ang konstitusyon. Lantad ‘yan sa draft charter nila. Kunwari lang na babaguhin sa federal form ang gobyerno. Ang totoong pakay ay alisin ang term limits nila, na nakasaad sa 1987 Cons­titution. Garapalang nagkukutsabahan ang House supermajority at paksiyon-paksiyong minority na panatilihin ang political dynasties nila habambuhay. “One to sawa,” naglalaway nilang inaasam.

Hadlang sa maitim na balak ng congressmen ang mga senador. Kaya nagsingit sila ng lider na panukso. May bagong line of succession na kung mag-resign si President Rody Duterte sa transition tungo sa Federal, papalit sa kanya ang Senate President imbes na Vice President. Ang babaw ng rason ng mga congressmen. Kesyo raw pinoprotesta pa ang pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo, kaya dapat umano siyang alisin sa succession plan. Pero hindi nalansi si Senate Presi­dent Tito Sotto at ang mayorya sa Senado na sumali sa charter change. Tinuligsa nila ito.

Hindi hihinto riyan ang mga congressmen. Ipagpa­patuloy nila ang pag-alis sa term limits makalipas ang May 2019 election. Madali sila o mga kamag-anak ang mananalo, sa tulong ng automated fraud. Ikakampanya rin nila ang mga kasing-ganid na senatorial candidates. Kung maka-three-fourths sila ng Senado, o 18 sa 24 na senador, matutuloy ang charter amendment: wala nang term limits.

Kapag mangyari na ‘yon, lalong hihigpit ang kontrol ng dynasties sa ekonomiya ng probinsiya, distrito, at lungsod. Ang mga halalan ay magiging hulaan lang ng mga botante kung sinong kasapi ng dynasties ang mang-aalipin sa kanila sa susunod na apat na taon.

Mga dynasties na rin ang magluluklok ng Presidente simula 2022. Siyempre manggagaling din ‘yon sa hanay nila.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

1987 CONS­TITUTION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with