^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala pang nagagawa sa nasirang Marawi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala pang nagagawa  sa nasirang Marawi

ISANG taon na ang nakalilipas mula nang ideklara ni President Duterte na liberated na ang Ma­rawi sa kamay ng Maute pero hanggang ngayon, hindi pa makabalik ang mga residente sa kani-kanilang mga bahay na napinsala. Wala pa silang babalikan sapag­kat wala pang nagagawang bahay. Mabagal ang rehabilitasyon at konstruksiyon.

Dahil sa pagkaatrasadong ito, nagalit ang Presi­dente at pinaiimbestigahan kung may nangyayaring red tape. Ilang beses na umanong na-postponed ang ground breaking sa pagtatayo ng mga nasirang bahay. Kaya hanggang ngayon, libong residente pa ang nasa mga shelters at evacuation centers. Isang taon na silang nagtitiis sa mga tirahan na karamihan ay nirereklamo ang kawalan ng tubig at kuryente.

Noong Martes, libong residente ang nagprotesta at nais na makapasok sa kani-kanilang mga bahay pero pinigilan sila ng mga sundalo. “Anyare sa Marawi?” nakasaad sa tarpaulin na hawak ng mga residente. Ilan ang sumisigaw na papasukin na sila. Sila na mismo ang magsasaayos ng kanilang tirahan para mapadali. Isang taon na raw silang nagtitiis sa mga shelter at hindi na nila kaya ang sitwasyon. Nasaan na raw ang pangakong tatapusin agad ang kanilang mga bahay. Nakalaya nga raw sila sa mga terorista pero sa kalagayan sa mga shelter ay nananatili pa rin silang nakakulong. Bakit hindi pa sinisimulan ang paggawa? Hanggang kailan daw sila maghihintay?

Ayon kay Presidential Spokeperson Salvador Panelo, nagalit ang Presidente dahil hindi pa gina­gawa ang mga bahay. Pinasisiyasat kung may nang­yayaring “red tape” kaya hindi pa nasisimulan ang konstruksiyon. Nagulat daw ang Presidente sapag­kat limang beses nang postponed ang groundbreaking. Ayon kay Panelo, nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pagkakaantala ng rehabilitasyon at konstruksiyon.

Kahit naman nagpupumilit ang mga residente na makapasok sa Marawi para makita ang kanilang mga sirang bahay, mahigpit ang pagbabantay ng mga sundalo sapagkat marami pa umanong nakatanim na bomba. Hindi pa raw lubusang naki-clear.

Kawawa naman ang mga residente. Sobra na ang dinaranas nilang kalbaryo. Madaliin na ang pag­gawa para matapos na ang kanilang paghihirap. Nararapat iprayoridad ang mga biktima ng Marawi.

vuukle comment

MAUTE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with