^

PSN Opinyon

Babala ni Gen. Eleazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

CONGRATULATIONS kay Sr. Supt. Eleazar Matta, bagong hepe ng Laguna PNP. Pinalitan ni Matta si Sr. Supt. Kirby Kraft na itinalaga sa Highway Patrol Group sa Central Luzon. Si Matta ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class ‘95. Dati siyang intel officer sa NCRPO at hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa National Capital Region. Maraming accomplishment si Matta, lalo na sa war on drugs kaya dapat lumayas na ang drug syndicates, pushers at adik sa Laguna.

 

May kinalaman kaya sa pulitika sa Laguna ang pag-assign kay Matta? Ito ang tanong na umiikot sa Laguna dahil maglalaban na naman sina Gov. Ramil Hernandez at E.R. Ejercito. Kaya naupo si Hernandez na governor ay pinalitan niya si Ejercito nang suspendihin ito noong panahon ni dating Pres. Noynoy Aquino dahil sa malaking ginastos sa kampanya. Noong nakaraang election, tinalo ni Hernandez si Ejercito at ang anak niya na sabay tumakbo para bawiin ang trono ng probinsiya. Subalit sa midterm election, one-on-one na sina Hernandez at Ejercito kaya malalaman kung sino ang mahal ng taga-Laguna.

Ang unang dapat gawin ni Matta ay sugpuin ang bookies ng STL ni Don Ramon sa Laguna. Sa pagkaalam ko, ang inaalagaan lang ni Don Ramon ay mga matataas na PNP officials kaya bokya si Matta sa kuwadra nito. Nais ko ring batiin si Supt. Tom Ibay, ang papalit kay Matta sa NCR-CIDG. Magkalapit kami ni Ibay noong nasa MPD pa siya.

Ngayong tapos na ang filing ng mga certificate of candidacy nagbabala si NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis sa National Capitol Region na huwag sumali sa partisan politics. Sabi niya: “Hindi po natin papayagan kumampi actively and directly or indirectly ang ating mga pulis sa sinumang kandidato. Ang pag-execute ng law enforcement ay dapat patas sa lahat ng kandidato. Mismong si President Duterte ang nagsabi na hindi siya pumupunta sa mga kampo ng military at PNP pag araw ng kampanya. Ayaw niyang maimpluwensiyahan ng kanyang pagka-presidente ang mga sundalo at pulis. The right to suffrage is a constitutional right. The voice and choice of the people must be heard. As guardians of peace and order, we, the police, should be the instruments in delivering the proper choice of the people”.

vuukle comment

ELEAZAR MATTA

KIRBY KRAFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with