Huwag mag-panic
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

KAHIT saan mo iharap ang tenga mo ngayon tiyak ang usap-usapang maririnig mo sa bawat kanto ng barberya ay ang paglobo nang mahihirap.

Bakit?

Sagot - dahil sa inflation.

Sabi nga, hindi biro ito!

Last July ay bumagsak na ang inflation rate sa Philippines my Philippines ng 5.5 percent pero mukhang tumataas pa ito.

Naku ha!

Sana huwag na.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat lang aminin ng gobierno ang taas presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon hindi lamang sa gasolina ito nangyayari kundi sa halos lahat nang mga mabibili.

Sabi ng ilang pa bright, bright, mga pandak na lang ang hindi tumataas. Hehehe!

Kahit saan mo ipaling ang leeg mo ngayon tiyak mabibigla ka sa mga presyuhan ng mga pangunahing bilihin.

Mukhang hindi kayang kontrolin ng DTI ito?

Halos lahat ng mabibili sa palengke ay nagtaasan na.

Ano ba ito?

Ang kinatatakutan ng karamihan ay mukhang hindi na maawat ng pamahalaan ang taas bilihin.

Ika nga, puro praise release na lamang ang mangyayari?

Lalo na pagpasok ng ‘ber’ month tiyak tuluy-tuloy ang pagsirit ng presyo.

‘Ano kayang tulong ang magagawa ng gobier­no sa lahat ng madlang pinoy na umaasa sa kanila para makakain ng maayos?’ tanong ng kuwagong may paluwagan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguradong hindi na maaawat pa ang price hike ng lahat ng bilihin tulad ng kuryente, tubig, gasolina, pagkain at marami pang iba.

Dahil sa pangyayaring taas presyo tiyak hihingi ng dagdag pasahe ang ating mga drivers sa mga pampublikong sasakyan at oras na nangyari ito marami ang iiyak na mahihirap.

Sabi nga, paano ang mga pasahero sa eroplano at mga barko?

Siempre gumagamit din sila ng krudo kaya abangan din ang pagtaas ng singil ng pamasahe nila?

‘Magbu-boomerang sa mga pangunahing bilihin ang taas pamasahe siempre walang negosyante ang gustong malugi lahat gustong tumubo. Kaya kanino sila babawi?’

Sagot - sa consumers!

Tumpak ka r’yan kamote.

Sana huwag mag-panic ang madlang public.

Abangan.

INFLATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with