^

PSN Opinyon

Dengvaxia victims saklolohan na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IMBES na nakatuon lang ang pansin ng pamahalaan sa paghahabla sa mga taong dapat managot sa mga taong napahamak dahil sa Dengvaxia vaccine, bigyan naman ng prayoridad ang pagtulong sa mga taong naging biktima nito. Sa dinami-dami ng mga naging biktima, medyo mala­king pondo ang gagamtin.

May panukala na sa Kongreso na supplemental budget na P1.16 bilyon kaugnay nito pero hindi pa naaaksyunan ng Senado habang patuloy na nababahala para sa kanilang mga mahal sa buhay na naturukan ng bakuna  ang maraming magulang.

Katig tayo sa panawagan ni House Committee on Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo Nograles sa Senado na ipasa na ang naturang Supplemental budget para mabigyang tulong medikal ang mga biktima ng Dengvaxia vaccine. Ngunit tila mas busy ang Senado sa mga Senate hearings para idiin ang mga dapat managot.  Okay lang sana iyan kung kasabay nito ay aksyunan na rin ang pangangailangan ng mga biktima ng Dengvaxia.

Sana rin ay maging bahagi ito ng State of the Nation Address ng Pangulo ngayong araw na ito para naman mabigyan ng encouragement ang mga biktima na sila’y hindi pinababayaan ng pamahalaan.

Kritikal ang bawat araw na dumaraan sa mga pamil­yang naturukan ang mga anak ng nakakamatay na bakuna at batid naman ito ng mga mambabatas.

Mayroong “pattern of death” sa mga nabakunahan nito kaya dapat na iprayoridad nila na nababantayan at napipigilan ang pagkamatay dahil sa pagturok ng Deng­vaxia vaccine na gawa ng Sanofi Pasteur at ang pagsasabatas ng nasabing panukala ang pinakamabisang paraan para maisakatuparan ito.

vuukle comment

DENGVAXIA VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with