^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Huwag munang magretiro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL- Huwag munang  magretiro

MAKARAANG mapanood ni Pres. Rodrigo Duterte ang matagumpay na laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse ng Argentina, pinayuhan niya ang People’s champ na mag­retiro na at lasapin ang sarap ng buhay. Gusto raw niyang makitang nagpapahinga na ang kanyang kaibigan. Marami na umanong pera si Manny kaya wala na itong dapat gawin kundi mag-enjoy sa buhay. Binati niya si Manny sa pagbibigay ng karangalan sa bansa at muli na naman nitong napagkaisa ang mga Pilipino. Nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia ang Presidente at nanood ng laban. Nasiyahan umano ang Presidente sa ipina­kita ni Manny.

Sa ipinakitang lakas ni Manny na tatlong beses pinabagsak si Matthysse, hindi pa panahon para siya magretiro. Sa edad na 39, marami pa siyang tatalunin at magbibigay pa ng karangalan sa bansa. Maaaring mga limang taon pa bago siya tuluyang magretiro. Sapat na iyon para mabawi ni Manny ang mga natalo sa kanyang korona. Puwedeng-puwede pa sapagkat ipinakita niya ang lakas at bangis sa mas batang si Matthysse. Mahusay din ang Argentinian boxer at nakipagsabayan kay Manny pero hindi ito umubra sa pambansang kamao. Sa ikatlong round, isang malakas na kaliwa ang pinakawalan niya at napatumba si Matthysse. Muling napabagsak ni Manny ang Argentinian sa round 5 at sa round 7 tinapos na ng boksingerong senador ang kalaban. Hindi na hinayaan ng reperi na makalapit pa si Manny kay Matthysse para paulanan ng suntok at itinigil na nito ang laban by knockout.

Huwag munang magretiro si Manny gaya nang pinapayo ng Presidente. Marami pa siyang tatalunin sapagkat makakaya niya sa kabila na may edad na siya. Pinatunayan niya ito sa pakikipagsalpukan kay Matthysse na mas bata sa kanya.

Mismong sa bibig ni Manny nanggaling na wala pa sa isip niya ang pagreretiro. Hinahanap-hanap daw niya ang boksing. Ibig sabihin, marami pang balak si Manny kaya hindi pa siya maaawat sa pagboboksing. Tuloy pa ang pagbibigay niya ng karangalan sa bansa at marami pang pasasayahin sa kanyang mga susunod na laban. Sige pa, Manny.

Related video:

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with