Ipatupad lahat
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2018 - 12:00am

KUNG nagiging mahigpit din lang si President Duterte sa mga tambay, at kung isa sa mga dahilan ng mga pulis para manghuli ng mga tambay sa gabi ay dahil maiingay, panahon na para hulihin ang mga motorsiklo, jeep at ano pang sasakyan na maingay ang muffler. May mga motorsiklo na kapag humaharurot ay nakakabasag ng tenga ang ingay. Ganyan din ang mga jeepney. Hindi ko alam kung sinasadya o sira na ang mga muffler.    

Sa Bonifacio Global City, ipinagbabawal ang mga motorsiklo na maiingay ang muffler. Kaila­ngan tularan ng lahat ng siyudad ang ordinansang ito. Sagrado ang katahimikan, partikular sa gabi. Kung gustong kumarera, gawin sa tamang lugar at panahon, hindi sa kalsada.

Hindi naman orihinal na kagamitan ang ma­ingay na muffler sa mga sasakyan, maliban sa mga sasak­yang kinakarera. Dapat nga trabaho ng LTO ito. Hindi dapat pinarerehistro ang mga sasakyang­ maiingay ang muffler. Ang isa pang dapat ipagba­wal ng LTO ay ang maliliwanag na LED na nilalagay ngayon sa mga sasakyan. Hindi ko tinutukoy ang “daylight running lights” na nakakatulong na­man para pansinin ang sasakyan. May mga sasakyan, motorsiklo pa nga, na naglalagay ng hile-hilerang LED, na hindi maganda ang pagkakalagay o sad­yang­ nakatutok sa pasalubong na sasakyan. Kapag nasilaw ang drayber ng kasalubong ay maaaring mauwi sa disgrasya. 

Maraming ordinansa ang hindi ipinapatupad. Kailangan bang magsalita si Duterte para maipatupad ang mga ito? Kung magagalit siya, dapat sa mga opisyal. Kung hindi naipatutupad ang mga ordinansa, sino may kasalanan? 

DUTERTE MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with