^

PSN Opinyon

Pagkakaiba ng pangunguyakoy sa nagbabanat ng buto

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ng Presidente na mabagal ang implementasyon ng mega projects sa mga probinsiya. Hindi malinaw kung mabagal ang decision making o nagkakaroon ng problema. Sa madaling salita, sa mata ng Presidente, hindi ram­dam ang economic activities sa labas ng Metro Manila.

Tandaan natin, mahilig mag-ikot ang Presidente kahit noong mayor pa lang siya. May mga tainga at mata rin siyempre siya sa ibaba kaya nagkakaroon siya ng ideya. Kontra ngayon ito sa sinasabi ng kanyang economic ma­nager na si Ben Diokno. Para kay Budget Secretary Diokno, di dapat mag-base sa mga impression at perception kundi sa mga hard facts.  

Malaki ang respeto ko sa mga kasalukuyang economic managers, but let me say this with due respect. Alam n’yo kayong mga economic managers, baka masyado na kayong­ nakakulong sa inyong mga opisina at pakuya-kuyakoy lang. Am I right or wrong? Maybe you’ve become so used to your air-coinditioned offices that you no longer have any idea what’s happening outside. Reyalidad pa ba ang mga sinasabi ninyo base sa aktwal na nangyayari sa ibaba?

Kung ika’y nanggaling sa akademya, ang facts mo laging base sa papel. Naka-angkla ka sa theories, hindi actualities. Ihalintulad natin sa militar. May mga magaga­ling na operation commanders; these are the people on the ground. They know full well how to assess and to react sa situation sa battlefield

May mga heneral naman na magaling lang sa opisina, mga admin kung tawagin. I consider these economic ma­nagers as administrators. Tanong ko pa sa inyong mga economic managers, updated ba ang inyong mga papel o facts? Baka ‘yang mga papel ninyo, January o December pa.

Am I defending the president? No, I am not! This is my analysis.

Kontra ang mga sinasabi ng Presidente at ng kanyang mga tao. There’s unity but no uniformity. There’s a diffe­rence. Ang sinasabi ko lang, malaking pagkakaiba mula sa pag-iisip at pagdedesisyon, isama na rin natin ang opinyon ng mga nagpapalaki lang ng bombolyas kumpara sa mga totoong nagbabanat ng buto, lumalakad at nagtatrabaho.

vuukle comment

BUDGET SECRETARY DIOKNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with