^

PSN Opinyon

Nasa kapangyarihan

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

NAKAPANAYAM ko si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go noong nakaraang linggo at ikinuwento niya ang tungkol sa “cycle of life” o in short, “bilog ang mundo”.

May higit 20 taon na ring nanilbihan bilang closest aide ni President Duterte si Bong at sinabi nga niya na mahalagang huwag papasukin sa ulo ang sinasabing kapangyarihan dahil nga temporary lang ang lahat.

Naalala ni Bong na noong naging Davao City first district Representative si Duterte ay walang lumalapit sa kanila tuwing umuupo silang dalawa sa lobby ng isang hotel.

Sabi ni Bong walang pumapansin at walang bumabati sa kanilang dalawa ng boss niyang si Duterte noong congressman nga ito. 

At ganundin ang  nangyari noong naging vice mayor din si Duterte ng isang term, wala pa ring pumapansin sa kanila. 

Ngunit nang bumalik na bilang Davao City mayor si Duterte noong 2013 marami na naman ang lumalapit sa kanya at gustong makipag-appointment kasi nga mayor na uli.

At lalong nakalulula ang bilang ng mga taong gustong makita, makausap at makapanayam si Duterte nang ma-ging Presidente na ito noong May 2016 elections. 

Kaya nga sinabi ni Bong na hindi naman pumapasok sa ulo niya ang sinasabing kapangyarihan dahil nga naniniwala siya sa kasabihang “bilog and mundo”. 

Ayon kay Bong, mabuti na ‘yung nakatapak ang mga paa sa lupa at hindi isipin ang kapangyarihan dahil nga temporary o pansamantala lang ang lahat. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with