^

PSN Opinyon

Konsensiya ng bansa

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA si Sen. Francis Pangilinan na, sa kabila ng pagbasura ng Supreme Court sa Motion for Reconside­ration (MR) ni Chief Justice Ma. Lourdes P.A. Sereno, hindi pa rin final ang pasya sa kanyang quo warranto case. Umaasa ang Senador na maaring masalba pa ito ng pa­bagu-bagong isip ng Korte tulad  ng ipinamalas dati sa mga naunang kontrobersiyal na kaso.

 Hindi sumusuko ang senador. Hindi si CJ Sereno mismo ang kanyang dinedepensahan kung hindi ang independence ng buong Korte Suprema na apektado. Pinaninindigan lamang niya ang obligasyon na ipaglaban ang pribilehiyo ng Senado at bigyang tinig ang sentimyento nang marami na maaring hindi nila kayang ipahiwatig.

 Hindi kagulat-gulat ang pagtindig ni Senador Kiko, o ni Sen. Frank Drilon, upang magsilbing balanse sa mga ikinikilos ng administrasyon. Kung mayroon tayong dapat ika­bigla, ito ay ang kawalan ng pakialam ng iba pa nating­ senador na tila biglang tinakasan ng boses.

 Di tulad ng mga kongresista na hindi maiwasang tumanaw ng pagkautang sa mga botante sa kanilang maliliit na distrito, sa senador ay institusyon ang pinaglalaban. Kahit sino pa ang nakapuwesto sa mga posisyong sakop ng impeachment power, basta may nilabag na pata­karan, dapat lang na pagbayaran. Ang institusyon ang mas mahalaga, higit pa sa tao.

 Kung kaya patuloy na susubaybayan ang gagawing hakbang ng Senado. Game na sanang pag-usapan ang panukalang resolusyon sa quo warranto. Labing-apat na magigiting na Senador ang lumagda. Ngayong na-deny na ang MR, isa-isa silang naglaho ng parang bula.

 Iba ang turing ng mamamayan sa kanilang mga senador na, anuman ang hamon, laging titindig para sa katotohanan. Sa panahon ngayon, napakaraming panukala ang Pangulo na bubunga ng pagkalito. Ang mga kinagisnan nating paniwala ay unti-unti na ring nababago. Ang Senado lamang bilang institusyon ang may matimbang na personalidad na tumayong konsensiya ng bansa. Anumang nawalang determinasyon, mapupunuan kapag ang Senado ay manatiling maaasahan.

 Kaya dapat lang na ang resolusyon ng Senado ay pag-usapan pa rin.

vuukle comment

FRANCIS PANGILINAN

MA. LOURDES P.A. SERENO

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with