^

PSN Opinyon

Fake news bakit patuloy kumakalat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang may fake news. Nu’ng dekada-’60-’80 sa America ay napakasikat ng lingguhang dyaryong National Enquirer. Paniwalang-paniwala ang milyong subs­cribers sa mga balita nitong kakaiba at kababalaghan. Halimbawa: babaeng nagsilang ng buwaya, pamilyang siyokoy sa ilalim ng lawa, o mag-asawang kinidnap ng Martians.

Iba na ang media ngayon. Hindi lang mga kapitalista, kundi kahit sino ay nakakapaglathala ng diyaryo. Wala nang makina, papel, tinta, at maraming tagasulat, edit, imprenta, at kalat. Laptop at Internet lang, kaya na ng indibidwal magpakalat ng katha sa buong mundo, sa kisap-mata. Madaling pasikatin ang mas kakaiba at kababalaghan -- ang fake news. Masaya ang mga mahilig doon.

Nagagamit sa pulitika ang disinformation sa Web. Sa malawakan at paulit-ulit na paninira sa isang kandidato, halimbawa kesyo nanghahala siya ng bata, napapaniwala ang botante. Sa America iniimbestiga ang umano’y pakikialam ng Russia sa social media para mahalal si Donald Trump na Presidente.

Binabalak ng France ibawal ang fake news tuwing halalan. Sa Malaysia ikukulong ang sinomang mag-post ng pekeng balita. Delikado ‘yon; maaring mauwi sa pagsikil ng gobyerno sa malayang pamamahayag. Mabuti pa ang ginagawa ng Facebook, na nagamit para sa fake news sa maraming bansa. Nagtatalaga siya ngayon ng fact checkers, tulad ng Vera Files at Rappler sa Pilipinas, at binabaklas ang fake news websites.

Pero patuloy na lalaganap ang fake news dahil sadyang hinahanap ito ng mga nais maniwala. Maraming saliksik sa gan’ung asal. Sa isang survey, pinabasa ang respondents ng mga balita tungkol sa weapons of mass destruction ni Saddam Hussein sa Iraq. Gaano man ituwid ng balita na walang natagpuang WMDs, lalong maling naniwala ang mga konserbatibo na meron nga. Bumubuo ang mga tao ng blogs at podcasts para sa paborito nilang pekeng paksa, pulitika man o kababalaghan.

vuukle comment

FAKE NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with