^

PSN Opinyon

Paglilinis

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TATLUMPU’T TATLONG tubo na ang nahuhukay ng DENR sa Boracay. Kumpirmado na ang inilalabas ng tatlong tubo ay mabahong tubig. Malalaman pa ang resulta ng tatlumpung tubo. Hindi naman sinabi ng DENR kung saan ang pinanggagalingan ng mga tubo. Matatandaan na pahayag ng barangay captain ng Barangay Balabag ay pinayagan ang ilang residente na maglatag ng kani-kanilang tubo, para hindi magbaha. Kung ganun, alam siguro ng barangay captain na iyan kung sino-sino ang mga residenteng iyan, para hindi ma mahirapan ang DENR. Mag-iisang buwan na ang rehabilitasyon ng Boracay. Nasa paghaha­nap pa rin ng tubo. Hindi ba mabagal iyan para sa isang buwang trabaho? At ano na ang balita roon sa bundok na tila pinapatag? Totoo bang patuloy ang trabaho roon, na tila walang gustong pag-usapan? 

Ayon sa ilang European tour operators, medyo ilag na sila sa Pilipinas dahil sa nangyari sa Boracay. May mga nag-book ng bakasyon sa isla, na ngayon ay nahihirapang makuha ang kanilang mga ibinayad. Ayaw namang magbakasyon sa ibang lugar sa bansa, sa takot na baka biglang isara rin ng gobyerno. Ilang beses nga nating narinig na baka isunod ang ibang lugar tulad ng Bohol.

Ito ang mga haharaping isyu ng bagong kalihim ng turismo. Nagsabi na nga na hindi muna gaganapin ang Miss Universe sa bansa, dahil sa kakulangan ng pondo, pati na rin sa rami ng mga kailangang haraping isyu. Hindi ko nga alam kung bakit may mga nagtutulak na rito ulit gawin, kung noong 2017 pa lang ginanap ang Miss Universe rito. Parang napakadaling gumastos ng gobyerno.  

Sinuspindi na nga ni Sec. Berna Romulo-Puyat ang “Buhay Carinderia”, dahil hindi siya kumportable sa mga proyektong hindi dumaan sa bidding. Binayaran na raw ng P80 milyon ang nasabing proyekto kahit hindi pa kumpleto. Bagay na tila hindi rin nagustuhan ni Romulo-Puyat. Nag­huhugas naman ng kamay si Tourism Promotions Board head Cesar Montano. Ayon sa kanya, si dating DOT Sec. Wanda Teo ang nagtulak sa TPB na bayaran na ang Marylindbert International, na kaibigan umano ni Teo. Mukhang isa na naman ito na kailangang liwanagin ni Teo, ilang araw matapos niyang magbitiw sa tungkulin. Talagang naglilinis na muna ng kanyang bakuran si Romulo-Puyat. Ano pa kaya ang mauungkat?  

vuukle comment

BORACAY.

DENR

EUROPEAN TOUR OPERATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with