^

PSN Opinyon

‘KP sa social TV!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKADIKIT na sa pangalang Tulfo ang serbisyo publiko at pagtulong sa mga tao. Kaya naman malaki ang aking pasasalamat sa Panginoon sa apelyido at talentong ipinagkaloob niya sa aming magkakapatid.

Sa loob ng 15 taon, umikot ang mundo ko sa pagtugon sa mga sumbong at pagtatanggol sa mga inaabuso. Simula pa nang maitatag ang Bitag noong 2002, iba’t ibang sumbong at reklamo na ang aking naengkuwentro. Sa awa naman ng Diyos, marami sa kanila ang aming natulungan.

Magmula sa mga niloko, inapi, pinagsamantalahan at ina­buso ng kung sino mang mga hudas o talipandas ng lipu­nan. Mga sumbong mula sa kalakhang Maynila at ‘yung iba ay nanggaling pa sa malalayong probinsiya.

Marami na kaming pinagdaanan at marami na rin kaming nalampasan. Kaya kahit ano pang paninira at panggigiba ang gawin ng mga putok sa buho, di nila matitibag ang BITAG. Patuloy lang kami sa aming public service at wala kaming paki sa mga inggiterong gusto lang kaming siraan.

Nito lamang nakaraang linggo inilunsad namin ang prog­ramang Kilos Pronto sa social TV. Kung saan sabay-sabay na gumagana ang aming mga Facebook pages, YouTube Channel at website para mapanood ang aming programa. 

Di tulad ng dati, mas pinalalim ang aming pag-iimbes­tiga at mas pinaigting namin ang aming serbisyo publiko. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang sumasala sa mga nagre­reklamo. Isa-isa ko silang hinaharap at kinakausap upang mas maintindihan ko ang kanilang kuwento. Bawat sumbong at reklamo, may kaakibat na solusyon at aksyon ora mismo.

Dahil umeere kami sa social TV, mas malawak ang na­aabot ng aming programa. Mapa-abroad man o kahit saang sulok ng bansa napapanood kami.

Mas madali na ring makahingi ng tulong sa aming tanggapan. Beinte kuwatro oras na bukas ang aming mga Facebook pages para sa inyong mga sumbong at reklamo. Maaari rin kaming ma-contact sa aming hotline number na 281-4251 o personal na magpunta sa aming opisina sa 102 Richwell Center Timog Avenue Quezon City.

Wala nang dahilan para di kayo matulungan. Nasaan man kayo, handa kaming sumaklolo. Ano mang oras may tutu­gon sa inyong mga sumbong at reklamo. Mapadiyaryo man, tele­bisyon, radyo o maging sa online. Isang prebilehiyo ang makapagsilbi at makatulong sa kapwa tao, kaya naman hindi ko sasaya­ngin ang pagkakataong ito. Hangga’t may Tulfo, tuloy ang serbisyo publiko! Itaga n’yo ‘yan sa bato.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with