^

PSN Opinyon

Patayan na naman!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SUNUD-SUNOD na naman ang napapatay na may kaugnayan sa droga. Malinaw na ayaw talagang tumigil at magpakatino ang mga drug suspect. Sa halip na tumigil sa bisyo, palihim pa rin sila sa pagsinghot at pagtu­tulak ng droga. Ang hindi nila alam inilalaglag na sila ng mga dating kasamahan kaya kilala na sila ng mga pulis at madaling matunton ang kanilang pinaglulunggaan. Magsusumigaw na naman kaya ang human rights advocates?

May ilang beses na silang binalaan ng mga pulis mula nang umupo si Pres. Rodrigo Duterte. Ilang beses na rin natigil ang Oplan Tokhang ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa matapos tuligsain ng mga taong simbahan, human rights advocates at maging ng United Nation Human Rights Councils. Bumaba pa nga sa level ang PNP, sa katunayan marami silang programa sa mga sumukong pushers at users. Tumulong ang PNP sa pag-rehab sa mga adik sa pamamagitan ng training seminars, Sumba exercises at livelihood training upang sa pagka-graduate nila ay makakabalik na sila sa normal na pamumuhay. Marami ang napatinong adik at nanumbalik na sa normal na pamumuhay kasama ng kani-kanilang pamilya. Ang masakit may ilang bumalik sa dati nilang bisyo.

Katulad nitong nangyaring 24 hours One Time Big Time sa Bulacan na kung saan napatay ang 13 at pagkahuli sa 109 katao. Ayon kay Bulacan Provincial Police Office director S/Supt. Romeo Caramat Jr, nagsimula ang OTBT ng alas 12:00 ng hatinggabi noong Marso 20 at nagtapos ng 11:59 ng gabi ng Marso 21. Nagsagawa ang 24 niyang himpilan kasama ang puwersa ng Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Branch ng 57 buy-bust operation at nagsilbi ng search warrant. Sa halip na sumuko nanlaban pa ang pushers at users kaya bumulagta sila. Nakakumpiska ng 18 iba’tibang armas at bala sa mga bumulagta habang tinatayang mahigit sa 305 sache ng shabu na tumitimbang ng 101,2803 gramo, 59 piraso ng plastic sachet ng marijuana na tumitimbang ng 670.745 gramo at mga drug paraphernalia.

Sa Maynila naman bumulagta rin ang dalawang holdaper matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Manila sa ilalim ng pamumuno ni C/Insp. Nino Lope Masdo Briones. Ayon sa imbestigasyon, nangholdap ang dalawang kalalakihan sakay ng motorsiklo sa kanto ng Dapitan St. at A. Lacson, Sampaloc, Manila. Agad na humingi ng tulong ang biktima sa tanggapan ng CIDG Manila kaya pinag-utos ni C/Insp. Briones na habulin ang mga salarin. Naabutan ang mga ito sa likuran ng Post Office sa  Lawton. Sa halip na sumuko, pinaputukan ang mga pulis. Gumanti ang mga pulis at napatay ang mga holdaper.

Samantala, may sumbong na nakarating sa akin mula sa Bgy. Paltok, Quezon City. Nagkaroon umano ng resolution upang gawing legal ang tupadahan sa No. 56 Anak Bayan Street. Ewan ko lang kung alam ito  ni Bgy Chairman Edgar Paragua? Ayon sa sumbong sa akin, inginunguso nila sina Kagawad  Rodel Sotolombo, Ernie Valdez, Edong Zamora at Ex-O Roy Pralma ang nasa likod ng patupada. Bukas ang pahinang ito, upang ipaliwanag kung may katotohanan ang sumbong sa akin. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with