^

PSN Opinyon

Para sa balat ng beybi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAYROON akong mga payo para pangalagaan ang balat ng beybi. Huwag hayaang masira ang kutis nila dahil sa ating kapabayaan.

1. Huwag ibilad ang beybi sa matinding sikat ng araw. Tayong mga Pinoy ay may maling paniniwala na dapat ibilad ang beybi sa araw. Masama ito. Ang balat ng beybi ay kulang sa melanin, isang bagay na nagpo-protekta sa balat ng beybi mula sa sikat ng araw. Dahil kulang ang beybi sa melanin, madali siyang ma-sunburn, at masira ang balat. Ilayo ang beybi sa araw mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. Puwede naman ilagay ang beybi sa maliwanag na lugar huwag lang deretso sa araw at makukuha na niya ang benepisyo ng araw.

2. Ingatan ang mata ng beybi sa sikat ng araw. Kapag hinarap mo ang beybi sa araw, puwedeng masira at masunog ang loob ng kanyang mga mata. Kung tayong matatanda ay bawal tumingin sa sikat ng araw, ano pa kaya ang beybi na maselan ang kondisyon? Subukang suutan ang beybi ng sunglasses at sombrero kapag ilalabas ng bahay.

3. Gumamit ng baby soap at baby shampoo para sa sanggol. Mas banayad ang mga sangkap nito. Paalala: Huwag pagpapalitin ang paggamit ng sabon at shampoo. Ang baby soap ay para lang sa katawan ng beybi at ang baby shampoo naman ay para lang sa buhok. Iba ang timpla ng sabon at shampoo.

4. Payo habang nagpapaligo: Paliguan ang beybi ng maligamgam na tubig para hindi siya ginawin. Ilagay ang lahat ng gamit na pampaligo sa tabi ng palanggana ng beybi. Tanggalin din ang iyong alahas para hindi masuga­tan ang beybi. Huwag na huwag iwanan ang beybi kahit sandali. Baka siya mahulog at maaksidente.

5. Kapag dry ang balat ng beybi, pahiran ito ng lotion.

6. Pumili ng damit na maluwag at gawa sa cotton. Ito’y para hindi maipit ang balat ng beybi at magdulot pa ng rashes sa bandang singit, leeg at kilikili.

7. Sa mga kasama ng beybi sa bahay, iwasan ang paghawak at paghalik dito lalo na kung marumi ang inyong kamay o mukha. Huwag ding subuan ang beybi ng kung anu-ano. Kapag marumi ang kamay ng nagsusubo kay beybi, puwede siyang magtae at magkaroon ng bulate. Mahalin natin ang beybi sa tamang paraan. Linisin ang ating kamay at kapaligiran para laging ligtas ang beybi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with