^

PSN Opinyon

Bagong mukha

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

INILABAS na ng administration party PDP-Laban ang kanilang line up para sa 2019 Senatorial Elections. Dominado ng mga bagong mukha ang mga kandidato ng partido ng Pangulo. Balansyado rin ng pagkasali ng mga batikang personalidad tulad ng Pangulo ng Senado Koko Pimentel at si Sec. Francis Tolentino na may pending electoral protest. Ang alam ng marami ay tunay siyang nanalo ng ika-12 na puwesto noong 2016 elections.

 Sa mga bagong pangalan, nananaig siempre ang dalawa sa pinakababad ang pagmumukha sa media ngayon, sina Presidential Spokesman Harry Roque at si Special Assistant to the President (SAP), Bong Go.

 Si Sec. Roque, sa maikling panahon pa lang na iti­natagal sa panunungkulan, ay mayroon nang tatak sa ating ulirat. Ang pinakamatimbang na pruweba nito ay kung paano ito kainisan ng maraming dating humaha­nga. Bilang spokesman ng Pangulo, obligado si Sec. Harry na ipaliwanag sa madla ang mga posisyon ng Pangulo kahit pa sa mga usaping kontra sa personal niyang paninindigan. Hindi nagkukulang dito si Sec. Sa galing pa nga niya, nakukuhang kumbinsihin ang mga nagdadalawang isip. Malinaw na taglay nito ang maha­lagang katangian na marunong magkumpromiso na sad­yang kritikal sa Kamara tulad ng Senado.

 Si SAP Go ang parang Cinderella story ng taon. Nakilala nung umpisa bilang dakilang aide ng Pangulo. Wala talagang mas matalik pa sa kanya ang pagkalapit sa Pangulo. Iisipin mong hanggang sa administratibong panunungkulan lang pakikinabangan si SAP Go. Subalit napatunayan na sa dalawang taon niyang pag-alalay sa Presidente ay inaasahan talaga siya hindi lamang ng kanyang Boss kung hindi na rin ng Gabinete na natuto na ring sumandal sa kanya. Itong pagiging reliable at dependable na nakabalot sa kanyang low profile ay katangiang mapapakinabangan din ng isang mataas na mambabatas ng bansa.

Bagamat bago ang dalawang ito, maituturing na nasubukan na rin sila at pinanday sa init ng apoy sa Palasyo. Susubaybayan natin ang aabutin ng dalawang interesanteng personalidad na ito ng PDP-Laban.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with