^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Parusahan muna ang mga amo ni Joanna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Parusahan muna ang  mga amo ni Joanna

MAY final draft na ang agreement ng Pilipinas at Kuwait para maproteksiyunan ang overseas Filipino workers. Nagkasundo na ang dalawang bansa at maaaring malagdaan na ang kasunduan sa susunod na buwan. Gagawin ang paglagda sa Kuwait. Bago nagkasundo ang dalawang panig, nagkaroon ng deadlock makaraang tumutol ang Kuwaiti delegations sa proposal ng Pilipinas na huwag kumpiskahin ang passport ng OFWs. Nagkaroon nang mainitang pagtatalo pero nagkasundo rin. Napagkasunduan na ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang magtatago ng passport ng OFWs, sa halip na ang employer. Sabi ni Labor Secretary Sil­vestre Bello III, plantsado na ang lahat at pirma na lamang ang kulang. Sabi ni Bello sa radio interview, kung ang counterpart niya sa Kuwait ang lalagda sa kasunduan, magtutungo siya sa Kuwait para lumagda. Kung ang hari raw ng Kuwait ang lalagda sa agreement, si Pres. Rodrigo Duterte ang dapat magtungo sa nasabing bansa para lumagda.

Ganunman, sabi ni Bello kahit na raw may final draft na ang kasunduan, hindi pa rin aalisin ang deployment ng workers sa bansang pinakamarami ang langis. Matigas ang paninindigan ng Presidente na itigil ang deployment ng OFWs sa Kuwait.

Ang pagsuspende sa deployment ng workers sa Kuwait ay nag-ugat nang matagpuan ang bangkay ng domestic helper na si Joanna Demafelis sa isang freezer sa Kuwait City. Agad pinag-utos ni Duterte na huwag magpadala ng OFWs sa nasabing bansa. Sabi pa ni Duterte, masyado nang nawalan ng dignidad ang mga Pilipino dahil sa ginagawang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga ito sa Middle East. Bukod sa inaabuso, hindi pinasusuweldo nang tama ang mga OFW.

Tama lang na ipagpatuloy ang deployment ban sa OFWs sa Kuwait. Kailangang makamtan muna ng mga amo ni Joanna ang parusa dahil sa ginawa nila sa Pinay. Nahuli na ang mga amo ni Joanna at kasalukuyang nasa Lebanon. Kailangang maparusahan ng kamatayan ang mga amo ni Joanna. Kung ano ang inutang, yun din ang kabayaran. Kapag nakamit na ang hustisya, maaari nang alisin ang ban.

vuukle comment

FILIPINO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with