^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isa pang ‘cesspool’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isa pang �cesspool�

NOONG nakaraang Pebrero, walang kagatul-gatol na sinabi ni President Duterte na ang karagatan sa Boracay ay napakarumi at iniha­lintulad niya ito sa poso-negro na imbakan ng dumi. Tinawag niyang “cesspool” ang Boracay. Nagbanta siyang ipasasara ang Boracay kapag hindi ito nilinis sa loob ng anim na buwan. Nagkumahog si DENR Sec. Roy Cimatu sa pagkilos at agad nagkaroon ng inspeksiyon. Natuklasan na maraming establishment ang lumalabag sa environmental laws. Walang waste water treatment facilities ang mga establisimento. Mahigit 100 establishments ang lantarang lumalabag kaya naman nagmistulang poso-negro ang kara­gatan. Walang kamalay-malay ang mga turista na ang pinaglulunuyan nila ay kontaminado.

Isa pang “cesspool” ang kinakailangang ins­peksiyunin ng DENR. Ito ay ang Puerto Ga­lera sa Oriental Mindoro. Huwag nang hintayin pang si President Duterte ang magsabi at pagbantaan ang Puerto Galera na isasara rin ito sapagkat marumi rin ang karagatan. Ang Puerto Ga­lera ay walang ipinagkaiba sa Boracay sapagkat nagmistula ring poso-negro ang karagatan. Sa dagat din iniluluwa ang mga dumi ng establisimento.

Sa isang TV documentary, ipinakita ang mga PVC pipes na galing sa mga establishment at nakatutok sa karagatan. Iniluluwa ng pipes ang mga dumi ng tao, maruming tubig mula sa hotel patungo sa dagat. Iyon na ang simula kung bakit ngayon ay mistulang “cesspool” na rin ang karagatan ng Puerto Galera.

Kapansin-pansin ang mga lumot sa dalampasigan ng Puerto Galera. Ayon sa DENR officials, palatandaan iyon na marumi ang tubig ng dagat. Ayon sa mga may-ari ng restaurant sa Sabang Bay, babagsak ang turismo sa Puerto kapag hindi nasolusyunan ang maruming karagatan. Dapat kumilos si DENR Sec. Cimatu. Ipa­kita rin niya rito ang “kamay na bakal” gaya nang ipinakita niya sa Boracay. Linisin ang Puerto Galera sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with