Dinidisiplina sa kalikasan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2018 - 12:00am

KUNG hindi pa sila binantaan ng pagsara ni Pres. Rodrigo Duterte, magpapatuloy sana ang kasalaulaan ng malalaking resorts sa Boracay. Matagal na sila inatasang kumabit sa sewerage ng isla. Napapabalita kasi ang baho at kati ng tubig-dagat dahil sa duming kubeta. Binalewala ng resort owners ang babala na lilipat ng pasyalan ang mga turista. Abala sila sa pagbibilang ng kita, imbis na sa tungkulin sa kalikasan.

Kailangan talagang disiplinahin sa kalikasan ang mga pabayang Pilipino. Nu’ng nakaraang taon binawal ni Duterte ang bagong open-pit mining at pinahigpitan ang mga natirang nag-o-operate pa. Winasak na kasi nila ang mga bundok, patag, at dagat.

Simula nitong 2018 aalisin na sa daan ang mga ma­ingay at mausok na jeepneys. Para sa kalusugan ng tsuper at pasahero, papalitan lahat ng battery-powered model.

Nitong dalawang nakaraang Bisperas ng Bagong Taon binawal ang malalakas at nakamamatay na papu­tok. Sa wakas nakaranas ang mamamayan ng bawas-asthma na pagsalubong sa Bagong Taon.

Naghigpit din si Duterte sa paninigarilyo. Sa mga pasi­lidad ng gobyerno maari lang magsindi at humitit ngayon sa binakurang pook na nakahiwalay sa non-smokers.

Sana i-veto rin ni Duterte ang panukalang batas na kakalbo sa gubat sa magkabilang panig ng Marcos Highway paakyat ng Baguio. Pinalalabas na kailangan ang pagtumba ng mga puno para kuno sa pabahay ng maralita. Pero may mga mayayamang nakaabang na patitulohan ang gubat para gawing malls, condos, at subdivisions. Hindi magtatagal magiging slums din ang paligid. Kung wala nang puno, iinit ang temperatura sa Baguio “summer capital.” At bubulwak ang putik patungo sa walong bayan ng La Union sa baba ng bundok.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with