^

PSN Opinyon

Huwag pilitin ang ayaw

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NARINIG na nating nagsabi si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi siya tatakbo sa pag­ka-Senador.

Kung iyan ay taos sa loob ni Go, huwag siyang pilitin.

Nakita na naman nating lahat na kahit “superstar” si Go sa mata ni Presidente Duterte, nananatili siyang low-key, matangi lang nang magkaroon siya ng kontrobersya sa ipinaparatang na pagkakadawit niya sa multi-bilyong frigate deal.

Ayon kasi kay House Speaker Pantaleon Alvarez hihikayatin pa rin niya si Go na tumakbo sa pagka Senador sa 2019 midterm elections. Kaya naman “yuyugyugin” ni Alvarez ang “lupa at langit” para maisali siya sa namumunong partidong PDP-LABAN.

Totoo na ang sino mang malakas sa Presidente kagaya ni Go ay malaki ang bentahe kapag tumakbo sa ano mang political position. Kaya nga sa tuwing eleksyon, maraming pulitiko ang nais magpakuha ng larawan sa Pangulo na itinataas ang kanilang kamay.

Ngunit kung laging gagawing basehan sa pulitika ang pagiging malakas ng kandidato sa Pangulo ng bansa, masasakripisyo naman ang ibang mas mahala­gang katangian gaya ng abilidad. Hindi ko sinasabing walang abilidad si Go pero sa ngayon, marami pa siyang dapat patunayan. Ngunit papaano niyang patutunayan ang kanyang kapabilidad kung siya mismo ang nagsasabing hindi siya interesadong tumakbo sa pagka-Senador?

Dapat sana, kung maghahanap ng kandidato ang mga kingmakers at political pundits, kunin lamang yung mga bringtest and the best na may napatunayan na.

Base sa inisyal na listahan ng senatoriables ng PDP-Laban kabilang dito sina Senate President Koko Pimentel na isang reeleksyunista, Davao City Rep. Karlo Nograles, Oriental Mindoro Rep. Rey Umali at Maguindanao Rep. Sajid Mangudadatu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with