^

PSN Opinyon

Pinatay ang misis

IKAW AT ANG BATAS - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ISANG karaniwang palusot sa krimen ay ang pagka­baliw o sabihin na wala sa tamang katinuan ang akusado. Makakalusot ito kung mapatunayang baliw talaga siya dahil ipinapalagay na lahat ng tao ay matino at hindi sira ang ulo. Ito ang papaliwanagin sa kaso ni Cardo.

Kasal si Cardo kay Lisa. Nakatira sila sa isang bayan at ang negosyo ng babae ay “buy & sell” ng mga RTW (ready to wear) na damit kasama ng ina. Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama ay naghiwalay ang mag-asawa. Pumisan si Lisa sa kapatid na si Marlie na nakatira lang sa kalapit bayan.

Ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay ay pumunta si Cardo sa bahay ni Marlie para kumbinsihin si Lisa na makipagbalikan sa kanya. Basta na lang pumasok si Cardo sa bahay nang walang paalam. Hinanap niya sa sala at sa kumedor si Lisa kahit pa sinasabi ni Marlie na lumabas ang kapatid kasama ng nanay nila. Pero sinabi kasi ng pamangkin ni Lisa na nasa taas ang tiyahin, umakyat si Cardo sa ikalawang palapag. Sakto naman na pababa ng hagdan si Lisa at kahit pa agad siyang bumalik paakyat ay hinabol na siya ni Cardo. Doon nag-umpisang magtalo ang mag-asawa. Bumaba ng hagdan si Lisa at nagtago sa banyo pero agad ding sumunod si Cardo at nagkulong sila sa loob.

Samantala, narinig ni Marlie na umuungol si Lisa at tinatawag ang kanyang pangalan. Pumunta siya sa banyo at nang buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang duguang si Lisa na patuloy na inuundayan ng saksak ni Cardo gamit ang balisong. Hinampas ni Marlie sa likod si Cardo at sinubukang hatakin palabas ng pinto si Lisa pero sa kanya naman itinutok ni Cardo ang patalim na hawak. Pumagitna si Lisa at nagpambuno sila ng asawa. Iniharang na lang ni Lisa ang sariling katawan para protektahan ang kapatid. Kaya ang pobreng babae pa rin ang nasaksak ni Cardo. Dito na sumigaw si Marlie para humingi ng tulong.

Sumaklolo sa kanila ang kapatid na si Nilo pero dahil wala itong armas ay napatakbo na lang palabas ng bahay. Hinabol siya ni Cardo pero nang hindi abutan ay tumakas na ito. Dinala nina Marlie at Nilo si Lisa sa ospital.  Dahil sa tindi ng trauma na inabot bukod pa sa dami ng dugong nawala ay namatay din si Lisa sa emergency room ng ospital. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with