^

PSN Opinyon

Madaling ibigay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINO naman ang Turaife group na binabantayan ngayon ng militar? Ayon sa AFP, banta ang nasabing grupo sa bansa, bilang mga terorista. Si Esmail Abdulmalik, o Abu Turaife, ang tila pumalit kay Isnilon Hapilon nang mapatay sa Marawi. Siya ang isa sa mga dahilan ng paghiling ni President Duterte sa Kongreso na palawigin pa ng isang taon ang batas militar sa Mindanao. Maliit pa lang daw ang grupong inspirado rin ng ISIS, pero may kakayanan nang magsagawa ng mga atake at pagbobomba. Ayon sa AFP, planong bombahin sana ang Cotabato City.

Ayon kay Col. Edgardo Arevalo, hindi raw puwedeng maliitin ng militar ang grupo ni Turaife. Nasa 20 pa lang daw ang bilang ng miyembro ng grupo, pero dahil mga radikal katulad ng mga Maute, at inspirado nga ng ISIS, hindi sila puwedeng isantabi lang. Patuloy pa umano ang kanilang paghahanap ng mga manlalaban, kaya binabantayan ng AFP. Sa tingin ko, kung may hinala na kilos ng masama, sugpuin na kaagad at huwag nang paabutin ng katulad ng naganap sa Marawi.

Patuloy rin daw ang mga nakatakas o mga natitirang Maute sa paghanap ng mga bagong kasapi. Nag-aalok pa ng pera sa mga puwedeng sumali sa kanila. Nalaman daw ito ng mga militar mula sa mga residente ng Marawi mismo. Kaya patuloy ang pagbantay nila sa sitwasyon. Sang-ayon ang militar, pati na rin si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa pagpapalawig ng martial law ng isa pang taon sa Mindanao, pero hindi sa buong bansa.

Hindi naman matutuwa ang mga kontra sa martial law sa pahayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero na masyadong maaga, masyadong malayo pa para magdesisyon kung buong bansa na ang isasailalim sa martial law. Depende daw sa sitwasyon, pati ang pulitika. Ibig sabihin, may posibilidad, hindi ba? Ibig sabihin, pwedeng mangyari. Sino ba ang magdedesisyon kung nagiging laganap na ang kawalan ng batas sa bansa? Hindi naman ang taumbayan. Kapag naisip ni Duterte na “magulo” na ang bansa, ayan na. Alam ko na napakadaling ibigay sa kanya ng Kongreso ang hiling na iyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with