^

PSN Opinyon

Cardinal Vidal, paalam

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga lider ng Simbahang Katoliko na hinahangaan ko ay si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal. Simple at mapagpakumbabang lider. Sa dami ng kanyang mga kasamahan sa simbahan na bumabatikos sa gobyerno ang obispong ito lang ang hindi ko naringgan ng pagkontra sa pamumuno ni Pres. Digong Duterte. Siguro meron man siyang hindi nagugustuhan sa pamamalakad ng gobyerno mas ginusto niyang magsawalang kibo upang hindi na humaba pa ang argumento sa pagitan ng simbahan at gobyerno. Tama naman na pakalmahin muna ang sitwasyon bago magbigay ng opinion.

Hindi na ako nabigla nang magtungo si Pres. Digong sa burol ni Cardinal Vidal. Mabuti naman at kahit binabatikos niya ang Simbahang Katoliko ay isinantabi muna niya ito. Ang ikinagulat nang marami ay ng halikan ni Pres. Digong ang kabaong nito bago umalis. Ang tanong ko ay ito, sino sa mga nagdaang Presidente ng Pilipinas ang nakagawa ng humalik sa kabaong ng namayapang Obispo? Kahit nung si Cardinal Sin ang pumanaw hindi nagawa ng noo’y Presidente ang ginawa ni Digong. Kung naalala n’yo, isa si Cardinal Sin sa mga pasimuno ng People Power sa EDSA, kasama niya noon ang dating Pres. Cory Aquino. Malaki ang naitulong ni Cardinal Sin kay Cory dahil nagtagumpay sila laban sa mga Marcos.

Ito ang tamang pagkakataon na sana’y isa na itong pahiwatig ng pagkakaisa ng gobyerno at simbahan. Si Cardinal Vidal na kaya ang naging tulay upang magka­ayos na ang dalawang panig? Sana itong pagdalo ni Pres. Digong sa burol ng obispo ay maging hakbang upang magkaayos na ang gusot ng simbahan at gobyerno.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na sana, isang araw wala nang alitan ang bawat isa at si Cardinal Vidal ang naging tulay ng lahat.

Salamat sa mga pangaral na bigay mo sa amin, alam namin na ika’y nasa mabuting kamay ng ating Poong Maykapal, Paalam!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with