^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang provincial bus terminals sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala nang provincial  bus terminals sa EDSA

SANA, totoo na ito! Ayon sa Department of Transportation (DoTr), lahat nang provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA at maski ang nasa Araneta Center sa Cubao, Quezon City ay ililipat na sa integrated transport terminal sa Marikina City at tatawaging Metro Manila Eastern Multimodal Transport Terminal. Kapag nailipat ang mga bus terminal, hindi na dadaan sa EDSA ang mga bus na patungong probinsiya at mala­king kaluwagan ito sa trapik. Sa halip na sa EDSA, sa C5 na dadaan ang mga bus na patungong South Luzon at sa Katipunan at Mindanao Avenue naman ang patungong North Luzon. Kapag lubusan itong naipatupad, maaaring lumuwag na nga ang EDSA at magiging magaan na ang pagbiyahe sa araw-araw.

Hindi ito ang unang attempt na ilayo sa EDSA ang mga provincial bus terminal. Sa panahon nina Arroyo at P-Noy, nagkaroon na rin ng ganitong plano. Pero pawang hindi nagtagumpay ang plano ng dalawang administrasyon. Sinimulan lang pero hindi na itinuloy. Nagkagastos lang ang administrasyon ni P-Noy sa pagpapatayo ng mga terminal pero walang nangyari. Sa EDSA pa rin naglungga ang mga bus na nagdulot ng grabeng trapik lalo na sa Cubao kung saan maraming bus terminals na patungong North at South Luzon. Naging pasa­way ang mga may-ari ng bus sapagkat ang garahe ay ginawa nang terminal at nakahambalang sa kalsada sapagkat doon nagsasakay at nagbababa ng pasahero. Ang resulta: Matinding pagsisikip ng trapiko sa Cubao area.

Sana nga magtagumpay ang proyektong ito ng DoTr sa tulong ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Maaaring lumuwag ang EDSA kapag wala nang provincial buses na daraan dito. Ipagpatuloy naman ng MMDA ang pag-aalis sa mga sagabal sa EDSA at iba pang major roads. Alisin ang mga illegal na naka-park na sasakyan, tindahan, basketball court, car wash at iba pang obstructions sa kalsada. Iniutos ito ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang SONA noong Hulyo 24, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with