Tensiyon sa Korea
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2017 - 12:00am

MAY tensiyon ngayon sa pagitan ng South at North Korea. Ito ay dahil sa patuloy na pagtesting ng North Korea sa kanilang mga bagong missile, na ang hinala ay makakaabot na sa Amerika at may nuclear warhead. Pero noong Linggo, bigo ang ginawang testing sapagkat sumabog kaagad ang missile. Ganun pa man, nagpadala ng “carrier group” ang US sa karagatang malapit sa North Korea. Apat na barkong pandigma, kasama ang USS Carl Vinson ang nagtungo sa Korea mula Singapore. 

Nagparada rin ng mga bagong sandata ang North Korea noong “Day of the Sun”, isang mahalagang araw ng pagdiriwang sa nasabing bansa. Maraming nakitang mga bagong sandata, partikular mga missile, ang mga eksperto sa armas. Ang hinala ay hindi na matagal bago maging matagumpay na ang North Korea sa paglikha ng missile na makakaabot kahit saan sa mundo. Pero sa ngayon, tila magandang balita ang pagsabog ng missile.

Hindi rin tumitigil ang hidwaan at bantaan sa pagitan ng US at North Korea. Parehong nagbabanta na huwag maliitin ang kani-kanilang kakayanang militar. Iba na rin kasi ang Presidente ng US ngayon. Tila mas handang magbigay ng utos umatake si Pres. Donald Trump kaysa dating Pres. Barack Obama. Ang ginawang pag-atake sa Syria ang patunay nito. Kaya naman naghahanap lahat nang solusyong diplomatiko, para hindi mauwi sa isa na namang digmaan sa Korea.

Umaasa ang US sa China, ang pinakamalapit, at ma­­­lakas na kaalyado ng North Korea. Halos lahat nang pa­ngangailangan ng North Korea ay nagmumula sa China­. Puwedeng sabihin na malaki ang kinikita ng China­ sa relasyong ito. Pero dahil seryoso ang sitwasyon, luma­lapit ang US sa China para kausapin nang masinsinan ang kaalyado nito para maiwasan ang dahas. Hindi pa alam kung ano ang mangyayari kapag umabot na sa Korea­ ang mga barko ng US. At saan kaya tayo lalagay? Malapit na si Duterte sa China, at galit sa US. Malapit din naman tayo sa Japan na kalaban din ng North Korea­. Ano kaya?      

NUCLEAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with