^

PSN Opinyon

4727

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG panukalang batas para sa muling pagpataw ng death penalty ay binigyan ng bilang na House Bill 4727. Sa rami ng tinatalakay ng ating mambabatas sa pang-araw-araw na sesyon at committee hearings, pumapa­ngibabaw pa rin ang usaping death penalty. Maaring may nakasalang na amyenda sa National Internal Reve­nue Code o di kaya’y resolusyon na mag-imbestiga sa mining audit ng DENR o libo libong panukala. Gayon pa man, hindi nawawala sa kanilang ulirat ang napipintong boto sa death penalty na maaring next week pa lang ay tapusin na.

Marami rin sa ating mga Kongresista ang may madiin na paniniwala na walang karapatan ang estadong sumi­ngil ng buhay kahit ano pa ang naging kasalanan ng hinatulan. Doble pa ang kanilang pagkaasiwa kung ang boto nila mismo ang magbibigay daan upang maibalik­ sa Estado ang malupit na karapatang ito. Subalit hindi nila matatakasan ang makilahok – kamalasan o kasuwer­tehan nila na sa kanilang batch napunta ang obligas­yong magpasya kung bubuhayin o pananatiliin sa kangkungan ang death penalty.

Hindi naman kahinaan kung ang sa umpisa’y kontra­ sa death penalty ay biglang talikuran ang kanyang paniwala. Maaring nakumbinsi ito ng mga naglabasang argu­mento o di kaya ay apektado na rin ng lumalalang krimen sa lipunan. Ang hindi maganda ay kung ang pag­baliktad ay bunsod ng mga pananakot o pamimilit.

Pero baka hindi na natin malaman ang naging posisyon ng bawat isa sa ating mga mambabatas. Dahil sa mabilisang pagpuwersa sa boto sa pangalawang pagbasa ng batas nung Miyerkules, dinaan na lang sa palakasan ng boses ang mga panig at hindi na binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Wala namang peligro na hindi maipasa ang panukala. Malaking mayorya na ang boboto rito. Ayaw lang ng pamunuan na pahabain pa ang diskusyon.

Ang pagbalik ng kamatayan bilang parusa ay bagay na tumatatak sa konsensiya ng isang bansa. Sana ay maging mas transparent ang ating Batasan nang maitalang maayos sa kasaysayan ang buong kuwento ng malagim na kabanatang ito.

vuukle comment

HOUSE BILL 4727

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with