^

PSN Opinyon

Anomalous Project ng DOTr

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dumanas ng matinding pagtuligsa sa House of Representatives ang proyekto ng Department of Transportation (DOTr) sa Integrated Passenger Terminal, lalu na sa South at Southwest terminals.

Iregular daw, anang dalawang Kongresista sa Ma­babang Kapulungan na sina Reps, Gwendolyn Garcia at Manuel “Manny” Lopez. Si Sarmiento ang namumuno sa committee on transportation na duminig sa naturang proyekto sa pamumuno ni Rep. Cesar Sarmiento.

Sa hearing ng komite ng transportasyon, nagpa­hayag ng pagkadismaya si Manila Rep. Manuel “Manny­” Lopez na ang mga kontrata na dapat tutulong sa mga karaniwang mamamayan ay napagsasamantalahan”.

Tinawag na “onerous” ni Lopez ang kontrata sa pagpapatupad ng proyekto. Samantala, binatikos ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ang aniya’y maano­malyang proyekto sa integrated terminal ng DOTr.

Kung susuriin kasi, tila nakakiling sa malalaking negosyante o oligarch ang kontrata kaysa taumbayan na dapat pagsilbihan. Nakakalungkot nga naman na habang ipinangangalandakan ni Presidente Duterte ang determinasyong labanan ang korapsyon ay may ganitong klase ng mga anomalya.

Anang Tondo, Kongresman, “ayaw ko ho pati na ang mga kasamahan ko sa komite  na ito ay maging bahagi ng pag-apruba ng mga ganyang uri ng kontrata na dagdag perwisyo  sa tao sa halip na makatulong.”

Sa idinaos na hearing, sinabi ni Garcia na ba­ga­ma’t ang napagkasunduang Public Private Partner­ship modality ay nasa ilalim ng build transfer and operate scheme, ang pamahalaan  ay magbabayad din sa mga grantors ng halagang 277-milyong piso  at 100 milyong piso para  sa south  at southwest terminals. Ano ba naman iyan?

vuukle comment

HOUSE OF REPRESENTATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with