^

PSN Opinyon

Umiwas sa mga sakit ngayong tag-init

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG tag-init, inaasahan na ang pagtaas ng sakit na nagiging uso kasabay ng pagtaas ng temperatura. Nitong mga nakaraang taon, nagpaalala na ang pamahalaan sa publiko upang makaiwas sa mga nauusong sakit sa ganitong panahon. 

Isa sa mga sakit na karaniwan ngayong summer ay ang sunburn dahil sa matagal na pagkabilad sa ilalim ng matinding araw. Ang lahat ay pinapayuhan na lagyan ng proteksiyon ang balat, lalo’t ang palagiang pagkalantad sa araw ay maaaring magdulot ng skin cancer. Dahil sa kawalan ng tubig, pagkatuyo ng balat, sobrang pagpapawis, at hindi mahusay na paglilinis ng katawan, maaaring magdulot naman ito ng pagkasugat at rashes sa balat. 

Madalas din ang inirereklamo ng ilan ang pananakit ng tiyan. Madalas na nagiging sanhi nito ay ang kontaminado at sirang pagkaing dala ng hindi maayos na paghahanda at pagtatabi nito. Inaabisuhan ang mami­mili na maging mapanuri sa kanilang binibili at iniimbak na pagkain, gayundin ang mga nagtitinda na siguruhing malinis ang mga pagkain. 

Marami rin ang nagkakalagnat tuwing tag-init dahil may mga pagkakataon na bigla na lamang umuulan na maaaring makasama sa katawan dahil sa pabagu-bagong lagay ng panahon. 

Marami ring nagkaka-sore eyes. Ipinapayo ko ang madalas na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa pagkukusot ng mga mata, lalo kung marumi ang mga kamay. Dahil sa init, marami rin ang naitatalang kaso ng heat stroke kaya pinapayuhan ang publiko na uminom nang maraming tubig at huwag nang lumabas ng bahay lalo na sa tanghali. 

Panghuli, mag-ingat din sa dengue na sinasabing tumataas ang bilang ng mga insidente dahil sa madalas na pag-iimbak ng tubig tuwing tag-init. Tiyakin na may taklob ang mga imbakan ng tubig upang hindi ito pamugaran at pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng dengue, na nagdadala rin ng Zika virus. 

Walang pinipiling panahon ang pagkakasakit. Bukod sa wastong kaalaman at paghahanda, nananatiling mabuting sandata laban sa pagkakasakit ang kalinisan ng katawan at kapaligiran. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with