Motorsiklo, ipagbawal sa EDSA
Roy Señeres (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2015 - 10:00am

NAPAKATINDI ng trapik sa EDSA dahil sa kasalanan­ ng mga drayber. Dahil ang nakararami sa mga drayber­, pampubliko man o pribadong sasakyan ay pare-parehong walang disiplina.

Lahat nang traffic infractions katulad ng swer­ving, cutting, loading and unloading sa halos gitna ng EDSA at kung anu-ano pang kabalbalan na kung saan ay talagang­ magaling ang drayber na Pilipino ang patuloy­ na nagaganap.

Isa pa sa walang disiplinang drayber na dahilan kung bakit lalong hirap umusad ang mga sasakyan ay ang mga motorsiklo na para bang mga contestant sa slalom event sa Winter Olympics.

Ito pong slalom ay isang winter sports, kung saan ay pakiwal-kiwal at palipat-lipat ang atleta na pababa sa bundok at iniiwasan ang iba’t ibang sagabal sa kanilang dinaraanan.

Ganitung-ganito ang ginagawa ng mga drayber ng motorsiklo sa EDSA. Never silang pumirme sa isang lane. Palipat-lipat sila sa inner lane hanggang sa outer­ lane at ni hindi nila isinaalang-alang kung sila ay mabubundol ng otro reckless na drayber.

At dahil ang solusyon sa anumang uri ng problema ay para sa kabutihan ng lalong nakararami, napapa­nahon ang balak na ipagbawal ang motorsiklo sa EDSA.

Nasisiguro ko na makatutulong ito para makaragdag sa kagaanan ng trapiko sa pinakasikat na kalye sa Metro Manila.

Sa araw-araw kong paglalakbay mula south papunta sa Batasang Pambansa sa QC, lagi akong dumaraan sa EDSA kaya nakikita ko kung paano ginagaya ng mga motorcycle rider ang slalom event.

Kaya by all means, dapat ipagbawal sa motorsiklo ang pagdaan sa EDSA. Hindi nila problema ang dumaan sa mga side street kahit na sa C-5 mula Caloocan City papuntang Muntinlupa dahil madaling imaniobra ang kanilang sasakyan.

Sa halip na magreklamo ang mga nakamotorsiklo ay dapat silang maging maunawain, dahil sa pagpapairal ng anumang patakaran o batas, laging ang kabutihan ng lalong nakararami ang dapat pairalin.

At kung ipagbawal man sa mga nakamotorsiklo ang EDSA ay kasalanan din nila dahil hindi nila sinusunod ang traffic rules.

ACIRC ANG BATASANG PAMBANSA CALOOCAN CITY DAHIL EDSA KUNG METRO MANILA MGA SHY WINTER OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with