Bagong bayani?

Tatlo ang malaking problema ng bansa

na dapat lutasin ng tatlong dakila;

ang dakilang tao ay makikilala

sa result ng ating bagong pulitika!

 

Ngayo’y humaharap sa mga botante

kung sino ang ating magiging kaparte;

sa paglutas ng problemang malaki

siya kaya’y dapat na ating bayani?

 

Ang mga problemang hindi nalulutas

kung isa-isahin halos tatlo sa malas

ang una ay masamang mga taong hudas

na mismong pamilya unang inuutas!

 

Pangalawang problema ay ang kabuhayan

na ngayon ay hawak ng mga dayuhan;

kayamanan natin sila ang may tangan

kaya ang mahirap lalong nahihirapan!

 

Sa pangalawang ito kabuhayan natin

pinagsasawaan ng budhing maitim;

natutuwa silang tayo ay alipin

kapital ng bansa hawak ng masakim!

 

Problemang panghuli ay graft and corruption

na ang may kasalanan pulitikang gunggong;

sa mga padulas, lagayan at suhol

agad tinatanggap sa sariling bukol!

 

Kaya sa halalang di na magtatagal

tayo ay pumili ng isang banal;

banal sa sarili at tapat sa bayan

siya na ang taong ating hinihintay!

 

Dumating nga kaya ang taong dakila

na bagong bayani at ating pag-asa?

Ang pag-asa natin tanging nasa kanya’t

itong ating bansa may bagong umaga!

Show comments