^

PSN Opinyon

Balikbayan boxes

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAGING mainit ang isyu hinggil sa pagnanais ng Bureau of Customs (BoC) na higpitan at busisiin ang “balikbayan boxes” na ipinadadala o pasalubong ng mga OFW sa kanilang pamilya o kaanak.

Kasi nga naman ay napakahalaga ng mga ito sa mga migranteng manggagawa. Ang naturang padala o pasa­lubong ay bunga ng kanilang pagpupunyagi sa pagtatrabaho sa ibayong-dagat at mahabang panahon na pagkawalay sa mga mahal sa buhay. Ang mga kahon na ito ay hindi lang basta naglalaman ng mga materyal na bagay. Bagkus, ang mga ito ay produktong itinumbas sa kanilang sakripisyo at pagkalungkot sa malayong lugar, at kalakip nito ang ekspresyon ng kanilang pagmamahal at mga pangarap para sa pamilya at kaanak.

Matatandaang ang mga OFW, kanilang pamilya at kaanak, at ang kabuuan ng publiko ay mahigpit na tumutol sa nais ng BoC laluna’t naroon ang pangamba na baka ang naturang hakbangin ay pagmulan lang ng korapsyon, panggigipit sa mga OFW at pakiki-alam sa kanilang padala.

Kaugnay nito ay isinulong ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang proposed Senate Resolution 1549 na nag­lalayong mailinaw at maitakda ang guidelines, procedures and practical policies hinggil sa anumang balakin ng BoC sa balikbayan boxes.

Aniya, “It is important that a clear-cut policy regarding balikbayan boxes should be institutionalized, isolating it from any politically-driven decisions and making it consistent despite changing leaders.

While the BOC is authorized by law to scrutinize shipments given their mandate to collect revenues, prevent smuggling and fraudulent activities, and control import and export cargoes, the move to unwrap padala packages and unload contents of OFW boxes intended for their loved ones and consequently expose them to possible pilferage and be charged with exorbitant fees is simply unacceptable and distasteful.

The policy to be crafted should strike the best balance between the mandate of the BoC and the interest of all the stakeholders. But one thing should be non-negotiable: Don’t subject balikbayan boxes which are products of OFWs’ blood, sweat and tears to unwarranted inspection and draconian procedures.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

BAGKUS

BUREAU OF CUSTOMS

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

KANILANG

KASI

KAUGNAY

MGA

SENATE RESOLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with