Confidentiality

SA anumang tanggapan, pribado man o gobyerno, may tinatawag na â€œconfidentiality.” Anumang bagay na napag-usapan o napagplanuhan na bagong programa, dapat naiiwan lang sa “loob”. Hindi pupuwedeng ilabas agad sa media at sa taumbayan hangga’t wala pang approval mula sa mga namumuno. Ang problema, nagkalat ang mga hudas, balimbing at espiya sa loob ng mga tanggapan.

 Sa paglutang ni David Tan o ni David Bangayan, nakakaladkad at nasasangkot ngayon ang National Food Authority sa isyu ng malawakang smuggling.

 Kaya nitong mga nakaraang araw, ipinatawag sa Palasyo ang ilang Cabinet member at opisyal ng ahensya para sa isang pagpupulong. Sumatutal, nasa planning stage pa lang ang mga programa at binubuong patakaran ng NFA hinggil sa importation, nailabas agad ito sa publiko.

 Dalawang grupo ng mga hudas at espiya lang ang dapat pagsuspetsahan. Una, ‘yung mga dating galamay ng nakaraang administrasyon sa ahensya na konektado at kasapakat ng mga smuggler. Pangalawa, mga espiyang ipinoste ng mga pulitikong may balak na patalsikin ang kasalukuyang namumuno sa Department of Agriculture.

 Nakatuon na ang kanilang tingin sa 2016 elections o political maneuvering. Bago pa man, maisakatuparan ang mga plano at programa, ang mga kakutsaba ng mga espiya at hudas na dumalo sa ipinatawag na meeting, nagbubuo na rin ng mga pang-“kontra-sistema.”

 Masakit sa mga senador at kongresista na tanggalan ng milyones na Priority Development Assistance Fund o pork barrel.

 Sa termino ni P-Noy, isa sa mga prayoridad niya ang palakasin ang sektor ng agrikultura. Ito naman ngayon ang nakikita ng mga pulitiko na pakialaman, lahat gustong magtanim ng sariling manok sa loob ng ahensiya para makakurakot sa pondo ng pamahalaan.

 

Show comments