^

Metro

16-anyos inutas sa sementeryo

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng menor-de-edad na naliligo sa sariling dugo ang natagpuan sa loob ng sementeryo sa Brgy. Paco, Obando, Bulacan kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Christian Relente, 16-anyos, ng Sto Niño st, Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan.

Sa report ng Obando Police kay Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo, nadiskubre ang bangkay ni Relente dakong alas-7:10 ng umaga sa loob ng Paco Cemetery sa Brgy. Paco at naireport sa kanila ng brgy. tanod bandang alas-7:30 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang biktima na kanyang agarang ikinamatay.

Narekober ang isang tipak ng hollow block, aluminum foil at lighter ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

BULACAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with