^

Metro

2 pulis-SAF sa ‘moonlighting’ nasa restrictive custody na – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilagay sa “restrictive custody” ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang dalawang tauhan nito na nasangkot sa “moonlighting” matapos magsilbing bodyguard ng isang Chinese national sa Muntinlupa City.

Ayon kay PNP Public Information Office chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya kina Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez sa Muntinlupa City Police Station habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaso.

Matapos namang makalaya sa kulungan, agad na ipinasundo ang dalawang pulis ng liderato ng SAF para dalhin sa kanilang Punong Tanggapan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay Fajardo, nakasaad sa naging resolusyon ng pro­secution na binibigyan ang dalawang pulis ng pagkakataong ilahad ang kanilang panig sa pamamagitan ng isusumiteng counter affidavit.

Matatandaang na­bisto ang “raket” ng dalawang SAF commando matapos magsuntukan sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City noong May 18 at natuklasang naka-deploy sila sa Zamboanga subalit nagsisilbi umanong escort ng Chinese na opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Muntinlupa.

Dahil dito, sinibak sa puwesto sina Mabuti at Valdez, kasama ang pito pang opisyal na kinabibilangan ng battalion commander, company commander at platoon leader dahil sa insidente.

vuukle comment

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with