^

Metro

Wage hike sa NCR, pinaplantsa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Wage hike sa NCR, pinaplantsa na
Multi-sectoral groups stage a protest rally against Charter change outside the Batasang Pambansa in Quezon City on March 20, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil nakatakda nang magsimula ngayong buwan ang serye ng public consultations para sa susunod na wage hike o dagdag-sahod sa National Capital Region (NCR).

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga konsultasyon sa labor sector ay itinakda ngayong Mayo 23.

Ang konsultasyon naman sa employer sectors ay isasagawa sa Hunyo 4.

Samantala, ang public hearing para dito ay target na maidaos sa Hunyo 20.

“Thereafter, the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) in NCR will decide on the propriety of adjusting the minimum wage for the region,” anang DOLE.

Nabatid na ang mabilis na pagdaraos ng konsultasyon para sa umento sa sahod ay alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na kaagad na pasimulan ang pagrepaso sa regional minimum wage rates sa loob ng 60-araw bago ang anibersaryo ng kanilang pinakahuling wage order.

Nabatid na ang kasalukuyang wage order para sa private sector workers sa Metro Manila ay naging epektibo noong Hulyo 16, 2023.

Itinatakda nito ang minimum wage sa P610 para sa manggagawa sa non-agriculture sector at P573 naman para sa mga manggagawa sa agriculture sector at sa service/retail establishments na mayroon lamang 15 trabahador at pababa, gayundin ang mga manufacturing establishments na regular na nag-e-employ ng wala pa sa 10 manggagawa.

Inatasan naman umano ang iba pang rehiyon na ayusin na rin ang schedule ng konsultasyon at pagdinig, alinsunod sa direktiba ng pangulo.

vuukle comment

WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with