PDEA at PCG sanib-puwersa vs illegal drugs

Sa nilagdaang Me­morandum of Agreement (MOA) nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo, idineklara ang mahigpit na pagbabawal ng smuggling, pagbiyahe at transhipment ng illegal drugs at mga sangkap nito sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mapaigting ang pagbabantay sa mga pantalan at maharang ang pagpasok ng illegal droga sa bansa.

Sa nilagdaang Me­morandum of Agreement (MOA) nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo, idineklara ang mahigpit na pagbabawal ng smuggling, pagbiyahe at transhipment ng illegal drugs at mga sangkap nito sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Magsasagawa rin ng regular na pulong ang PCG at PDEA upang talakayin ang mga ­operasyon, ang kasalukuyang kalaga­yan ng mga programa at pagbalangkas ng mga estratehiya upang makamit ang layunin ng kasunduan at magpalitan ng mga kaalaman patungkol sa drug smuggling, transportation and transshipment

Sa ilalim ng MOA, pangungunahan ng PDEA ang narcotics investigation at ang anti-drug operations habang aalalay ang  PCG sa pangangalap, pa­ngongolekta, pagproseso at pag-analisa ng mga impormasyon upang maharang ang pagpasok ng illegal drugs sa mga pantalan o coastlines ng Bansa.

Isasali na rin ng PDEA personnel ang PCG sa inspection ng mga merchant ships at mga barko.

Show comments