Bahagi ng Quezon City Elliptical Road pansamantalang isasara

MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara ang Ilang bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City ngayong Semana Santa.

Sa inilabas na Traffic Advisory ng Quezon City Go­vernment, maaapektuhan nito ang bahagi ng elliptical road mula North Avenue hanggang Quezon Avenue.

Sisimulan ang road closure alas-8:00 ng gabi ngayong Miyerkules Santo, Marso 27 hanggang sa Marso 28 o Huwebes Santo hanggang alas- 8 ng umaga ng Marso 30 sa Sabado De Gloria.

Ang pagsasara ng nasabing kalsada ay upang bigyang daan ang mga isasagawang konstruksyon para sa elevated landscape promenade sa nabanggit na lugar.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna pansamantala sa mga alternatibong ruta upang hindi maantala ang kanilang mga biyahe ngayong holy week.

Show comments