^

Metro

Tinangay na beybi sa Maynila, nabawi na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tinangay na beybi sa Maynila, nabawi na
Nabatid na kusang-loob na isinauli ng suspek na kinilala lang na si alyas Jenny Fernandez ang pitong buwang gulang na sanggol sa kanyang inang si Alpha Mercado kamaka­lawa ng ha­tinggabi sa ­Baclaran sa Parañaque City, matapos na mag-viral ang post hinggil sa ginawa niyang pagtangay sa sanggol.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naibalik na ng ligtas sa kanyang ina ang isang beybi na ­unang tinangay ng isang babae sa ­Ermita, Manila noong Biyernes ng hapon.

Nabatid na kusang-loob na isinauli ng suspek na kinilala lang na si alyas Jenny Fernandez ang pitong buwang gulang na sanggol sa kanyang inang si Alpha Mercado kamaka­lawa ng ha­tinggabi sa ­Baclaran sa Parañaque City, matapos na mag-viral ang post hinggil sa ginawa niyang pagtangay sa sanggol.

Sumama rin ang suspek sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 (PS-5) at nagbigay ng salaysay.

Paliwanag ng suspek, wala siyang planong nakawin ang sanggol, na kusa umanong ibinigay sa kanya ng ama ni Mercado dahil pagod na umano itong mag-alaga sa bata.

Iniuwi umano ng suspek ang sanggol at binilhan ng gatas at diaper ngunit la­king gulat niya nang makitang nakapaskil na sa social media na tinangay niya ang bata.

Sa takot, umuwi sa Norzagaray, Bulacan ang suspek at malaunan ay kumontak sa pamilya ng sanggol upang isauli ito.

Ang mga pahayag ng suspek ay taliwas naman sa pahayag ng ina ng sanggol na nagsabing ­iniwanan niya ang sanggol sa kanyang ama noong Biyernes dahil kailangan niyang magtrabaho.

Nalaman na lamang umano niyang nawawala na ang sanggol nang tawagan siya ng isa pa niyang anak.

Sinasabing ipinahawak ng lolo ang apo sa suspek dahil iihi ito ngunit pagbalik ay wala na ang bata.

Kaagad umanong humingi ng tulong ang pamilya sa mga awtoridad at nakita sa kuha ng CCTV ang pagtangay ng suspek sa biktima.

Dito na umano nila ipinaskil ang pangyayari sa social media upang matulungan silang maibalik ang bata.

Wala naman na umanong plano pa ang pamilya ng biktima na magsampa pa ng rek­lamo sa suspek.

vuukle comment

ERMITA

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with