^

Metro

Mag-live in partner, patay sa tulak’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in partner, patay sa tulak�
Dead-on-the-spot si Jeth Vertudazo, 24 , alyas Ameng, residente ng Cadena De Amor St., Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, habang nasawi naman sa Quezon City General Hospital si Cyrille Anne Macabuhay, 27, alyas Negra.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang maglive-in partner matapos na pagbabarilin ng umano’y isang ‘tulak’ ng ilegal na droga, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Dead-on-the-spot si Jeth Vertudazo, 24 , alyas Ameng, residente ng Cadena De Amor St., Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, habang nasawi naman sa Quezon City General Hospital si Cyrille Anne Macabuhay, 27, alyas Negra.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Los Brigos Fabro na residente ng Incinerator St. ng nabanggit ding lugar na mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Batay sa inisyal na  imbestigasyon nina PSSg George Ca­culba  at PSSg Christian Loyola ng  Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong alas-5:40 ng hapon sa may Cadena De Amor St., corner Ilang-Ilang St., Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Bibili lamang umano ng sigarilyo ang mga biktima nang malapitang pinagbabaril ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at batok si Vertudazo, habang sa iba’t ibang bahagi naman ng katawan si Macabuhay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na posibleng ikinagalit umano ng suspek ang ‘pagtimbre’ sa kanya ng mga biktima sa mga pulis.

Sa pag-iimbestiga ng SOCO, QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PCpt John Agtarap, nakuha sa crime scene ang limang cartridge cases,mga basyo ng  bala, isang plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu at posas.  

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with