^

Metro

Habambuhay hatol kay Parojinog sa kaso ng droga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Habambuhay hatol kay Parojinog sa kaso ng droga
Batay sa 160-pahinang desisyon na ipinalabas ni QC RTC branch 228 Judge Mitushealla R. Manzanero-Casiño napatunayan nitong  guilty  si dating Ozamis  Vice Mayor Niva Princess Parojinog  sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 kaugnay ng Drugs law.
STAR/File

MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng Quezon City court sa dating Vice ­Mayor ng Ozamis City na kabilang sa mga opisyal ng gobyerno na nahuli sa war on drugs ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa 160-pahinang desisyon na ipinalabas ni QC RTC branch 228 Judge Mitushealla R. Manzanero-Casiño napatunayan nitong  guilty  si dating Ozamis  Vice Mayor Niva Princess Parojinog  sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 kaugnay ng Drugs law.

Bukod sa habambuhay na pagkakulong inatasan din ng Korte si Parojinog na magbayad ng kalahating milyong piso dahil sa kanyang pagkakasala.

Kasabay nito ay inatasan ni Judge Casiño ang Jail Warden ng ­Taguig City Jail Female Dormitory na ilipat si Parojinog sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Ipinag-utos din ng korte na ang nakumpiskang 677.6976 na gramo ng bawal na droga mula kay Parojinog ay ipaubaya sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency  ( PDEA) para sa wastong disposal.

Sa record ng korte, noong July 30, 2017, sina­lakay ng PNP-CIDG ang bahay ni dating Vice Mayor Parojinog sa Barangay San Roque, Ozamis City.

Sa naturang raid, nakakuha ang mga awtoridad ng mahigit sa 677 gramo ng shabu.

Ang kaso ni Parojinog ay nailipat sa QC court sa request ng mga complainant para  hindi maimpluwensahan ang kaso.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with