^

Metro

Ginang tinodas sa harap ng anak sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ginang tinodas sa harap ng anak sa Caloocan
Dead on the spot ang biktimang si  Christine Joy Malasan, 35, solo parent at residente ng Blk 2 Lot 135 Tupda Village Brgy. 8 Caloocan City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nang pagbabarilin sa harap ng kanyang anak ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang si  Christine Joy Malasan, 35, solo parent at residente ng Blk 2 Lot 135 Tupda Village Brgy. 8 Caloocan City.

Inilarawan naman ang mga suspek na  nakasuot ng itim na  jacket at sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Caloocan City Police chief PCol. Ruben Lacuesta, nangyari ang pamamaril dakong alas- 8:45 ng gabi sa harap ng Jonahvee Store sa Salmon St. Brgy. 8, ng nasabing lungsod.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na naglalakad pauwi  ang biktima kasama ang 13-anyos na anak nang  huminto sa nabanggit na tindahan para bumili ng sigarilyo at softdrinks.

Dito naman lumapit ang isa sa mga suspek na sakay ng motorsiklo at binaril nang malapitan ang biktima ng ilang ulit.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa Sabalo St.

Ayon kay Lacuesta, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na illegal drugs ang motibo sa pamamaslang dahil dati nang nakulong ang biktima.

Irerekomenda naman ng pulisya ang pagsasailalim sa debriefing sa anak ng biktima lalo pa’t nasaksihan nito ang  pagpatay sa  kanyang ina.

Dagdag pa ni La­cuesta, may person of interest na sila at tiwalang madadakip sa lalong madaling panahon.

Posible ring makatulong ang salaysay ng anak ng biktima upang matukoy ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

CHRISTINE JOY MALASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with