2 driver huli sa P350K shabu

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang driver nang makumpiskahan ng nasa P350,000 halaga ng illegal na droga sa Makati City, kamaka lawa ng gabi. Kinilala ng Makati City Police Station-Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Comembo Substation Makati CPS ang mga suspek na sina alyas Jay-R, 37, at alyas Diego, 43

Sa ulat, natimbog ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation sa Magnolia Street, Brgy. Rizal, Makati City. Nasamsam sa kanila ang nasa 51.5 gramo ng hinihinalang shabu, isang iPhone at narekober ang marked money na may kasamang boodle money na ginamit sa buy-bust.

Show comments